|
||||||||
|
||
May 15, 2011 (Sunday)
Noong isang linggo, may na-meet akong mga kababayan sa lobby bar ng isang 5-star hotel dito sa Beijing. Hindi ko na lang babanggitin ang pangalan ng hotel. Sila ay mga empleado ng Mercedes at BMW. Napasarap ang kuwentuhan namin noong gabing iyon. Iba talaga pag mga kababayan ang nakakasama mo. Ang saya namin. Pati banda nakisaya rin. Filipino Band din. To make the long story short, nangako sila na bubuksan at bibisitahin ang website namin. Kumusta kayo diyan sa Mercedes at BMW.
Kumusta rin sa lahat ng mga kababayan sa Finland, Switzerland, Germany at Denmark. Alam kong nakikinig kayong lahat ngayon diyan.
Sabi ni Clarissa ng Marinduque, sana raw mapadalhan siya ng inyong lingkod ng DVD ng Beijing opera. Curious daw siya sa Chinese art na ito. Gusto raw niyang malaman kung paanong ipinoprodyus ang ganitong palabas at kung ano ang nagsisilbing inspiration ng mga artist.
Beijing opera
Sabi ni Meli Camelia sa kanyang liham: "Kuya Ramon, kumusta kayong lahat diyan sa Filipino Service? Ako, okay lang dito. Nakakaraos naman. Isang araw, nagkaroon kami ng initiation sa fraternity. Dahil sa labis na panghihina dahil sa tinamo kong gulpi at bugbog, napunta ako sa ospital. Halos mamatay-matay ako. Ano ba iyan?
Baha at bagyo sa Pilipinas
Nalampasan ko ito, pero dumating naman ang panibagong problema—bagyo. Parang si Superman. Talagang matira ang matibay. Heto, wasak ang isang parte ng bahay namin. Maraming-maraming tao ang nag-evacuate dahil sa lalim ng tubig. Marami ang nagpunta sa iba't ibang evacuation centers.
Ang nakakatawa, iyong mga evacuation centers na pinagdalhan sa mga biktima ng baha ay naging biktima rin-- hindi ng baha kundi ng looting. Tingnan mo nga iyan, evacuation center na lang pagnanakawan pa.
Diyan ba sa Tsina binibisita rin kayo ng bagyo? Dito sa Pilipinas, hindi lang kami binibisita; stay in na ang bagyo, ayaw nang umalis.
Mga mamamayan ng Tsina, nagkakaisa sa paanhon ng krisis
Pero seriously, hinahangaan ko ang inyong solidarity in times of crises. Iba talaga kung may pagkakaisa.
Salamat sa inyong babasahin at mga regalo. Sana lumawig pa ang ating interaction via short-wave.
God bless.
Meli Camelia
Sucat, Paranaque, M. M.
Philippines"
Maraming salamat sa iyong snail mail, Meli. Mahusay kang magkuwento. Puwede kang writer. I suppose nagpe-facebook ka. Kung gusto mong makaugnayan ang mga miyembro ng staff ng Serbisyo Filipino, i-add mo lamang ang aming address na filipinoservice@gmail.com at makakaugnayan mo ang sinuman sa amin dito sa pamamagitan ng naturang social network.
Salamat din sa lahat ng mga nagpadala ng mga pahabol na mensahe para sa Mother's Day. Salamat sa 917 910 3559, 915 807 5559, 906 201 1704, 928 001 4204 at 917 904 0154…
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ
ORANGE FLAVOR SODA WATER
(NAN QUAN MAMA)
Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Orange Flavor Soda water." Ang track na iyan ay hango sa album na may katulad na pamagat—I mean pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Sino kaya iyong sinasabi ni Super DJ na lukring na artista? Okay, Super DJ, pasok!
V O I C E
Salamat sa iyo, Super DJ. Iyan ang gusto ko sa iyo, e. Pag sa siyetehan, ang bilis mo…
THE BELLS OF SHELL
(LIU XI JUN)
Iyan naman si Liu Xi Jun sa awiting "The Bells of Shell," na lifted sa collective album na may pamagat na "Supergirls' Voice."
Sabi ni Arlene ng Angeles City, Pampanga: "Talagang ang lakas namin sa iyo, Kuya Mon. Ibinalik mo paborito naming Cooking Show at pinaganda pa Gabi ng Musika."
Sabi naman ni Cindy ng Shunyi, Beijing: "So, kelan uli tayo magluluto, Pareng Ramon? Nakalimutan kong magpadala ng bati para sa mga nanay. Binabati ko silang lahat—mga dakilang ina!"
Sabi naman ni Alex ng Dinalupihan, Bataan: "Magaganda mga mensahe para sa mga manggagawa at mader! Very sensible."
Sabi naman ni Jimmy ng Ortigas, Pasig City: "Nababanban kayo pagdating sa news and current affairs. Kakapiranggot na lang. Wala nang lasa.
Sabi naman ni Rowena ng Beijing, China: "Hinay-hinay lang, kuyang, para hindi ka nagkakasakit. Dadalawin ka namin next week, ha? Ano ang gusto mong dalhin namin sa iyo?"
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Muling ipinapaalala ko sa inyo na kung kayo ay nagpe-facebook, i-add lamang ninyo ang
aming address na filipinoservice@gmail.com at maipararating ninyo kung anumang mensahe meron kayo sa pamamagitan ng naturang social network.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |