Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-43 2011

(GMT+08:00) 2011-05-23 18:45:56       CRI

May 22, 2011 (Sunday)

56 nationalities ng China

Nagpapasalamat si Ron Gascon ng Batangas City sa ipinadala naming booklet hinggil sa 56 nationalities ng China. Ngayon lang daw niya nalaman ang hinggil sa mga lahing ito na magkakasamang nakikipamuhayan sa isa't isa nang matahimik. Ngayon lang din daw niya nalaman na ang majority ng mga lahing ito ay iyong tinatawag na lahing Han.

Sabi ni Pamela ng Lumban, Laguna, sana raw lagi akong magpatugtog ng mga awitin nina Eason Chan at Jolin Tsai. Sila daw ang mga paborito niyang Chinese singers. Sana rin daw makatanggap siya ng wall carpet na tulad ng ipinadala ng CRI sa kaibigan niya.

Noong isang araw, nakausap ko sa telepono si Antonina Ramirez ng Malabon, Metro Manila.

Si Antonina ay bagu-bago pa lamang na nakikinig sa China Radio International at ang China Radio ang unang himpilan sa short-wave na pinakinggan niya. Hindi pa siya nakakasubok sa ibang himpilan.

Nalaman daw niya ang hinggil sa Filipino Service ng CRI mula sa kanyang estudyante. Si Antonina kasi ay isang public school teacher.

Sa pag-uusap naming sa telephone, ikinuwento sa akin ni Nina na isang araw daw, nakita niya ang isang estudyante niya na may dalang brown envelope na may letterhead na China Radio International. Tinanong daw niya ang estudyante kung bakit meron nito at ang sagot ay siya ay tagapakinig ng CRI at buwan-buwan, tumatanggap siya ng correspondence mula rito. Doon daw nagsimula ang kanyang pakikinig.

Pagkaraan ng ilang buwang pakikinig, tumawag si Nina sa akin para bumati at magbigay ng impresyon. Sabi niya: "Kuya Ramon, malaki ang nagagawa ng inyong Filipino Service sa pagpapalapit ng mga Pilipino at mga Chinese. Imagine, magkaiba ang government systems ng dalawang bansa pero nagiging malapit sila sa isa't isa. Ang China ngayon ang isa sa mga leading trade partners ng Philippines at ang inyong service ay may role dito sa bagay na ito.

Sinabi rin ni Nina na sana raw, in the near future, magkaroon kami ng mas maraming gimik para raw maging mas interesting ang pakikinig nila sa aming mga programming.

Thank you for your call, Nina, at sana hindi iyan ang huling pagtawag mo sa amin. Sana mapabilang ka rin sa listahan ng mga regular na bisita ng aming website at regular na tagapakinig namin sa radyo. Inaanyayahan ka rin naming makipag-ugnayan sa sino man sa amin dito sa Serbisyo Filipino sa pamamagitan ng facebook. I-add mo lamang ang aming address na filipinoservice@gmail.com. Uulitin ko, filipinoservice@gmail,com. Okay, thank you once again and God bless.

Salamat din sa sumusunod na masisipag na texters: 9193334131, 9213781478, 9187305080, 9108716631, 9175006641 at 9193023333.

Narinig ninyo ang magandang tinig ni Guang Liang sa awiting "Heaven," na lifted sa album na pinamagatang "Michael Fairy Tale."

Iyan naman si Eason Schan sa kanyang awiting "Hurt," na hango sa album na may pamagat na "Digital Life."

Sabi ng San Andres Boys: "Di namin pababayaan website niyo, Kuya Mhon. Ikaw pa, e, ke lakas-lakas mo sa amin, hehehe."

Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer College: "Okay itong website niyo, Kuya Mhon! Maganda ang spread! Kulang lang siguro ng sensational features. Iyong makaagaw-pansin ba."

Sabi naman ni Marichu ng Cebu City: "Kaming lahat dito sa Cebu City bumabati sa website ng Serbisyo Filipino. Mabuhay! Ito ay sariling atin!"

Sabi naman ni Blanca Cabral ng Cebu City: Hi, Kuya Mhon! Binabati ko kayo ni Ate Andrea sa inyong Cooking Show. Mabuhay ang Scramble Eggs with Tomatoes!"

Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

>>Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>