|
||||||||
|
||
Pag-uusapan ng magkabilang panig ang pagtutulungan sa pagsugpo sa transnational crimes na kinabibilangan ng human at drug trafficking. Matatalakay din ang mga isyu sa global warming at pagtaas-baba ng presyo ng petrolyo.
Gagamitin din ni Pangulong Aquino ang pagkakataon upang magpasalamat sa Brunei sa paglahok nito sa International Monitoring Team sa paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao at pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front. Mahalaga rin ang papel ng Brunei sa pagiging bahagi ng Organization of Islamic Conference Committee on Southern Philippines na nagbabantay sa pagtupad ng mga napagkasunduan ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front.
Babalik sa Pilipinas si Pangulong Aquino sa Biyernes.
TINIYAK naman ni Secretary Edwin Lacierda, ang tagapagsalita ni Pangulong Aquino na maliwanag ang nararapat gawin ng Kagawaran ng Katarungan at ito ay ang tugunan ang matinding kasikipan sa mga piitan at pagpasok ng droga sa mga bilanggo. Ang pagsasama ng napakaraming bilanggo sa maliliit na piitan at pagpasok ng droga ang siyang dahilan ng korupsyon at kaguluhan na nauuwi sa kawalan ng disiplina at katarungan sapagkat iba ang pamantayan sa may salapi at sa mga walang kakayahan.
Ayon pa sa tagapagsalita ng pangulo, hindi magiging mabisa ang correctional system kung hindi ito makatao at kulang sa salapi at kung ang mga kautusan ay hindi naipatutupad na patas sa lahat.
Natuon ang pansin ng madla sa mga piitan ng madakip ang isang prominenteng bilanggo na wala sa kanyang selda ng walang anumang pahintulot..
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |