Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-4 na Ni Hao Philippines, idinaos sa Shenyang

(GMT+08:00) 2011-06-03 16:31:26       CRI

Hao Philippines, idinaos sa Shenyang

Shenyang, lalawigang Liaoning ng Tsina – Sa pangunguna ng embahada ng Pilipinas sa Beijing, at sa pakikipagtulungan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI), Liwayway Marketing Corporation, at iba pang may-kinalamang panig, Idinaos dito noong ika-26 hanggang ika-27 ng Mayo ang ika-4 na "Ni Hao Philippines."

Ang dalawang araw na programang ito, na kauna-unahang idanaos sa labas ng Beijing ngayong taon, ay nagtampok ng ibat-ibang aktibidad, gaya ng pagtuturo ng wika at kulturang Pilipino sa mga mag-aaral na Tsino sa mga paaralang elementarya ng No. 2 Primary School ng Hunnan New District ng Shenyang at Chaoyang No. 1 Elementary School.

Primary School ng Hunnan New District ng Shenyang

Chaoyang No. 1 Elementary School

Sa naturang programa, itinampok ang pagtuturo ng mga salitang "Mabuhay, Salamat Po, at Kumusta ka," sa mga mag-aaral na Tsino.

Ang mga staff ng embahada ng Pilipinas sa Beijing at mga mag-aaral na Tsino habang nakikinig sa pagtuturo ng wikang Filipino

 

 Ang mga batang Tsino na nakikinig sa pagtuturo ng "salamat po. kumusta ka, at mabuhay"

Sa pamamagitan naman ng ibat-ibang mga laro at powerpoint presentation, nagawang ipakilala ng mga mamamahayag ng Serbisyo Filipino, sa pangunguna nila Jade, Lele, Joshua, Andrea, at mga opisyal ng embahada ng Pilipinas na tulad nila Boj, at Raymund ang magagandang kaugaliang Pilipino na gaya ng pagmamano, pagsasabi ng "po" at "opo," at mga larong Pinoy.

Pagtuturo ng mano po

 Ang mga mag-aaral na Tsino habang naglalaro ng larong Pinoy

 Ang mga mag-aaral na Tsino habang naglalaro ng larong Pinoy

 Si Boj at Lele habang nagkukuwento ng isang alamat na Pinoy

Ibat-ibang mga aklat din tungkol sa kulturang Pilipino ang ipinamaghagi ng embahada ng Pilipinas sa mga naturang paaralan.

Si Myca Fischer, habang ibinabahagai ang mga aklat sa mga mag-aaral na Tsino

Ang mga mag-aaral naman mula sa No. 2 Primary School ng Hunnan New District ng Shenyang ay nagpaabot ng sulat para sa mga kabataang Pilipino na nakalagay sa isang malaking kulay pulang lalagyan na hugis puso na nagpapahayag ng pangungumusta at pakikipagkaibigan.

Ang mga batang Tsino, habang isinisilid ang mga sulat para sa mga mag-aaral na Pinoy

Ang mga batang Tsino, habang isinisilid ang mga sulat para sa mga mag-aaral na Pinoy

Samanatala, ang Filipino Community sa Shenyang ay nagpunta sa naturang pagtitipon at nagbigay ng suporta sa naturang programa.

Mula sa kaliwa,  Si Vic, miyembro ng Filipino community sa Shenyang at si Raymund, opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Beijing

Si Ate Vicky at ang kanyang mga anak. Sila ay mga miyembro ng Filipino community sa Shenyang

Naroon naman, bilang representante ng pamahalaang Pilipino si Myca Fischer, First Secretary ng embahada ng Pilipinas sa Beijing.

Mula sa kaliwa, si Jade at Myca Fischer, habang nagbibigay ng talumpati

Sa kanyang magkahiwalay na talumpati sa dalawang paaralan, sinabi ni Fischer na ang Ni Hao Philippines ay isang programang naglalayong paglapitin ang mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pag-unawa sa kultura ng bawat isa.

Idinagdag pa niyang ang Pilipinas at Tsina ay may malalim na diplomatikong relasyon, simula pa noong ika-16 na siglo, kaya, nararapat lamang na lalo pang pagyamanin ng kasalukuyang henerasyon ang pagpapalitang ito.

 

Aniya, sa pamamagitan ng programang ito, nananalig ang pamahalaan ng Pilipinas na lalo pang hihigpit ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Tsina.

Ang "Ni Hao Philippines" ay isang taunang programa na inilunsad ng embahada ng Pilipinas sa Beijing upang ituro ang wika at kulturang Pilipino sa mga kabataang Tsino upang palakasin ang pag-uunawaan at paglapitin ang mga mamamayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pag-unawa sa kultura ng bawat isa.

 

/end/rmz//

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>