|
||||||||
|
||
Wuxi Pork Spareribs
Ang Wuxi Pork Spareribs, na pinaka-bantog na putahe sa Lunsod ng Wuxi, ay kilala rin ito sa iba pang lugar ng Tsina. Sa Wuxi, may ibinebentang vacumm-packed Wuxi Pork Spareribs bilang subenir para sa mga turista, pero kung maglalakaby kayo sa Wuxi, mas magandang tikman ang bagong-lutong putaheng ito, dahil mas masarap ito.
Vacumm-packed Wuxi Pork Spareribs, hindi talagang masarap dahil hindi bagong luto
Ang pangunahing sangkap ng Wuxi Pork Spareribs ay bahagi ng tadyang ng baboy na malambot ang karne. Hiwain ang tadyang sa pirasong 5 hanggang 7 sentimetro ang lapad at i-marinate ang mga ito sa toyo sa loob ng 10 minuto. Igisa ang mga tadyang hanggang sa maging kulay light brown, alisin at patuluin. Muling lagyan ng mantika ang kawali at igisa ang scallion at luya hanggang lumutang ang bango. Lagyan ng mga tadyang at mga pampalasa na gaya ng asin, asukal, buto ng anis at Chinese prickly ash at buhusan ng tubig hanggang ibabad ang mga tadyang. Initin hanggang kumulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 2 oras hanggang lumambot ang karne.
Wuxi Pork Spareribs
Ang authentic na Wuxi Pork Spareribs ay kakaiba mula sa mga ingredients na hinahalo dito hanggang sa paraan ng pagluto. Unang una sa lahat, ang ginagamit na karne dito ay iyong pinaka-tender na spareribs. Sabi nila karaniwan sa isang 200 pounds na baboy 7 to 8 pounds lang ang mapipili mo. Sa paraan ng pagluto naman, kinakailangan lutuin ito ng matagal sa maliit na apoy, sa 10 pound spareribs na mga 6 pounds nalang ang matitira para gamitin sa Wuxi Pork Spareribs. Grabe pala noh cguro ito ang the best of the best sa mga putaheng spareribs sa Tsina.
Balik sa aking blog>>
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |