|
||||||||
|
||
June 5, 2011 (Sunday)
Kumusta na? Okey lang ba kayo diyan? Siyempre, kung okey kayo diyan, okey din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, e!
Sabi ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales, hindi na raw natuto ang mga tao sa mga nagaganap na likas na kalamidad. Sige pa rin daw sila ng pagputol ng mga puno sa mga kagubatan. Hindi man lamang daw sila nakakaisip na magtanim-tanim para magkaroon ng kapalit iyong mga pinuputol nilang puno. Pati raw tuloy iyong mga mamamayan na nagmamalasakit sa kapaligiran nadadamay sa kanilang mga kalokohan.
Pero, sinabi rin ni Pablo na hindi pa naman daw talagang huli ang lahat. Matuto na sila. Magbago na sila.
Salamat, Dr. George, Poska, Ebeth, Manny, Carol, Let Let at Elisa sa inyong pagtataguyod sa aming website. Mabuhay kayo and may God love you all.
Mga nakakalbong kabundukan
Meron ditong snail mail si Benjamin Correa ng Muntinlupa, Metro Manila. Sabi: "Dear Seksiyong Filipino, Happy Dragon Boat Festival sa inyong lahat! Maraming salamat sa pagsagot ninyo sa sulat at SMS ko. Ang pagsusulatan natin ay walang iniwan sa saranggola na pinalilipad ninyo diyan sa Beijing. Pag mataas na mataas na, pina-aalagwa ninyo at pagbagsak sa bayan ko, pinupulot ko naman at muling pinalilipad para paalagwahin uli diyan sa Beijing. Kasama nitong umaalagwa ang aba kong mensahe sa CRI at sa lahat ng sambayanan ng Tsina. Maraming nagtatanong kung bakit daw ako nakikinig sa inyong istasyon. Ang isinasagot ko, nasa CRI ang tamang rekado ng programa na angkop sa aking panlasa. Biruin ninyo, kung hindi sa inyong mga special features, hindi ko mapapatunayan na totoo pala ang mga napapanood kong Chinese movies na tungkol sa mga Chinese emperors. Kung hindi sa inyong mga special features, hindi ko rin malalaman na ang Chinese panda and tiger ay nanganganib na palang maglaho kaya ginagawa ninyo ang lahat para mailigtas sila. Kung hindi rin sa inyong mga special features, hindi ko malalaman na ang mga Tibetano ay nananatili pa sanang gusgusin kung hindi sa democratic reform ng gobyernong Tsino sa Tibet. Kaya nga ba sinasabi ko sa mga nagtatanong na walang makakapigil sa akin sa pakikinig sa Filipino Service ng CRI. Basta ang masasabi ko sa inyo, basta CRI, ako ay on the go! Maraming salamat.—Benjamin Correa (Muntinlupa, Metro Manila, Phils.)"
Chinese movies na tungkol sa mga Chinese emperors
Maraming-maraming salamat sa iyong sulat, Benjamin. Sana'y magpatuloy ka ng pakikinig sa aming mga programa at sana'y hindi ka magsawa ng pakikipag-ugnayan sa amin hindi lamang sa pamamagitan ng snail mail kundi maging sa e-mail, SMS o maging sa mga social network na tulad ng facebook. Salamat uli at God love you.
MISS YOU SO MUCH
(ZHOU BICHANG)
Narinig ninyo ang kaakit-akit na tinig ni Zhou Bichang sa awiting "Miss You So Much." Iyan ay hango sa collective album na may pamagat na "Super Girls' Voice."
JUMP, JUMP, JUMP
(PANG LONG)
Iyan naman ang malamig na tinig ni Pang Long sa awiting "Jump, Jump, Jump," na lifted sa album na pinamagatang "Two Butterflies."
Sabi ng 917 401 3194: "Hi, Kuya Mhon! Salamat sa paghahatid mo sa amin ng mga programang Gabi ng Musika na tunay na nakakapagpasigla! Mahirap buhay ngayon. Kailangan talaga natin ng encouragement!"
Sabi naman ng 910 619 8402: "I love the sweet, sweet sound of Jay Chou and Zhou Bichang. Thanks sa iyong powerful program na Gabi ng Musika. Sana magpatugtog ka pa nang magpatugtog ng kanilang mga kanta."
Jay Chou and Zhou Bichang
Sabi naman ng 918 730 5080: "Kuya Ramon, ang isang maganda sa programa mong Gabi ng Musika ay iniintrodyus nito sa amin hindi lang ang Chinese pop music, kundi pati ang China mismo at ang Chinese people."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Muling ipinapa-alala ko sa inyo na kung kayo ay nagpe-facebook, i-add lamang ninyo ang aming address na filipinoservice@gmail.com para makaugnayan ninyo kami dito sa Serbisyo Filipino sa pamamagitan ng naturang social network.
>>pasok sa Ramon's blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |