|
||||||||
|
||
NANATILI ang Pilipinas sa paniniwalang ang isang "multilateral approach" ang kailangan upang malutas ang halos magkakasabay na paghahabol ng iba't ibang bansa sa Spratlys.
Ayon kay Secretary Edwin Lacierda, ang sandigan ng matagalan at mabisang paraan ng paglutas sa mga isyung bumabalot sa Spratlys ay ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
Sa isang pahayag na kalalabas pa lamang, sinabi ni Secretary Lacierda na ang Pamahalaang Tsino ay nangako sa madlang susuporta sa payapang paglutas sa mga paghahabol na ito at kasabay at kahalintulad ng Pilipinas na umaasang magiging payapa ang rehiyon.
Naniniwala ang Pilipinas na ang karapatan nito sa kapuluan ng Spratlys ay marapat na sabayan ng katatagan at kailangang maulit sa bawat pagkakataon na kagawian ng bawat malayang bansa na may responsbilidad sa community of nations nang may pagkilala sa mga kasunduang sumasaklaw sa maritime law at paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan.
SUPORTADO naman ng Joint Foreign Chambers of the Philippines ang panukalang bumuo ng Department of Information and Communications Technology na itginataguyod ng Senate Committee on Science and Technology, kasabay na rin ang mga kumite ng Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws, Civil Service, Government Reorganization at Finance.
Ayon sa Joint Foreign Chambers of the Philippines, ang information technology and business process outsourcing ang pinakamalaking pinagkukunan ng hanapbuhay at kita ng pamahalaan ngayon. Malaki ang potensyal ng IT-BPO sapagkat lumalago rin ang mga kumpanyang nangangailangan nito sa hilagang America, sa Europa, Asia at Australia.
Malaki umano ang potensyal ng Pilipinas sapagkat malaki ang labor force nito, maraming nakapagsasalita ng Ingles na mayroong malakas na costumer-service orientation at may kakayahang makapag-angkop ng kanilang sarili sa cultural ng kanilang mga pinaglilingkuran. Ayon sa lupon ng mga mangangalakal, umaabot sa 450,000 ang mga nagtatapos sa kolehiyo taun-taon at mayroong mura at maasahang international telecommunications infrastructure and malawak na mga pook na puedeng pagtayuan ng mga call center. Kabilang din sa inia-angat ng Pilipinas ay ang suporta ng pamahalaan sa industriya.
Idinagdag pa ng Joint Foreign Chambers of the Philippines ang pangangailangang mapalakas ang legal framework ng industria.
SAMANTALA, nanatiling sarado ang mga paaralang pampubliko at pribado sa Metro Manila, sa mga lalawigan ng Cavite, ilang bayan ng Laguna, Rizal, Bulacan at Bataan dahilan sa sama ng panahong dala ng bagyong "Dodong."
Ilang biyahe ng eroplano ang nabalam kungdi man nakansela dahilan sa sama ng panahon.
Binanggit din ng JFC ang kanilang kalungkutan sa ika-14 na Kongreso ng bansa na hindi nakapag-pasa ng Cyber Crime Prevention Act, ang panukalang batas na bubuo ng Department of Information and Communications Technology at ang Data Privacy Act.
Kabilang sa mga lumagda sina Austin Chamberlain, pangulo ng American Chamber of Commerce of the Philippines; John Casey, pangulo ng Australian-New Zealand Chamber of Commerce in the Philippines, Julian Payne, pangulo ng Canadian Chamber of Commerce of the Philippines, Hubert D' Aboville ng European Chamber of Commerce of the Philippines, N Obuya Uchiki ng Japanese Chamber of Commerce and Industry of the Philippines, Lun Gap Chang, pangulo ng Korean Chamber of Commerce at Shameem Qurashi, pangulo ng Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters, Inc..
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |