Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Anim ang nasawi, 27 iba pa ang nawawala sa bagyong "Dodong"

(GMT+08:00) 2011-06-10 16:54:09       CRI

UNANG inakalang isang mahinang sama ng panahon lamang at unti-unting lumakas at naging bagyong Dodong, ito ang naging dahilan ng pagkasawi ng anim katao at pagkawala ng 27 iba pa samantalang umalis na sa nasasakupan ng bansa at patungong Tsina ngayong araw na ito.

Ibinalita ng iba't ibang media outlets ang pagkalunod ng apat katao sa Mindanao samantalang isang batang lalaki naman ang nahulog sa isang ilog sa Batangas City. Isang matandang babae naman ang nalunod sa Tablas Island, sa Romblon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 26 na mangingisdang Filipino ang nawawala malapit sa Spratly Islands sa South China Sea.

Isa namang pahinante ng isang bangkang pangisda ang nawawala matapos masagupa ang malalaking alon sa karagatan ng Sariaya, Quezon. Hinahanap na sila ng mga tauhan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas (Philippine Navy) at dalawang helicopters ng Philippine Coast Guard. Posible umanong pinayagan ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda o hindi humingi ng permisong maglayag.

SA LARANGAN ng kalakal, sinabi ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo na kinakaya ng Pilipinas na tumugon sa mga nagaganap sa daigdig ng negosyo at tinataasan pa ang target indicators para sa kalakal at mga negosyo.

Noong 2010, ang GDP ay 7.3% at sa unang tatlong buwan ng taong 2011, nakita na ang 4.8% growth. Ito ang pahayag ni Kalihim Domingo sa Manila-Guangzhou Trade and Investment Conference at Cantonese Product Promotion sa ASEAN noong lunes na dinaluhan ng may 146-kataong delegasyon mula sa Guangzhou.

Sinabi ni Ginoong Domingo na malaki ang tulong ng Tsina sa paglago ng Philippine exports. Samantalang may mga trahedya sa Japan at recession sa America na nagpabagal ng exports, tuloy na lumalago ang kalakal sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Ani Ginoong Domingo, kung ang Tsina ay ikalimang bansang may pinakamataas na kalakal sa Pilipinas noong 2009, ngayon ay nasa ikatlong puesto na ang Tsina sapagkat tumaas ang exports ng Pilipinas sa Tsina ng may 58%.

MULA SA Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na nasabi na ng Pilipinas ang kanyang posisyon sa iba't ibang territorial issues sa West Philippine Sea (South China Sea). Handa pa rin ang Pilipinas na makipag-usap sa iba't ibang bansang naghahabol sa mga kapuluang matatagpuan doon.

Nananawagan si Kalihim Lacierda sa iba pang mga naghahabol sa kapuluan na huwag na munang gumawa ng mga makapagpapainit na mga pahayag na magpapahirap makatagpo ng katanggap-tanggap na solusyon sa sigalot.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>