Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

National Renewable Energy Program, lulutas sa kakulangan ng kuryente, sabi ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2011-06-14 18:35:37       CRI

IPINANGAKO ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na sasagutin ng kanyang National Renewable Energy Program ang kakulangan ng kuryente sa malalayong pook ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagpupulong ng mga dalubhasa sa renewable energy, binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan nito sa pagsulong ng bansa sapagkat uusad ang mga lungsod, aandar ang mga makina at makikinabang ang mga industriya.

Inihalimbawa ng pangulo ang mag-aaral na uuwi sa kanyang tahanan na magsisindi ng gasera pagdilim upang makapag-aral. Ito umano ang karanasan sa mahihirap na bayan sa mga lalawigan ng Lanao del Norte, Bukidnon, Kalinga at Antique na hindi magtatagal ay magkakaroon na ng kuryente sa pamamagitan ng renewable energy.

Ito umano ang titiyak ng supply ng kuryente sa mas matagal na panahon lalo't higit sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyong angkat mula sa ibang bansa. Sinimulan na ang paggamit ng electric tricycles sa Mandaluyong at kinakitaan ng abilidad ang mga mag-aaral na Pilipino sa kanilang pangalawang puesto sa isang kumpetisyong may kinalaman sa disenyo ng prototype vehicle na tatakbo ng 241 kilometro sa isang litrong petrolyo.

Niliwanag din ni Pangulong Aquino na hindi madaling umasa sa renewable energy dahilan sa kamahalan ng teknolohiya nito at mula sa 5,400 megawatts noong 2010 ay gagawin itong 15,300 megawatts sa taong 2030.

Kailangan umano ng bansa ng malinis at murang pagkukunan ng kuryente at ito ang layunin ng kanyang administrasyon.

SA KORTE SUPREMA, pumayag ang kataas-taasang hukuman ng Pilipinas na magkaroon ng live coverage ang mga mamamahayag sa pagdinig ng usaping may kinalaman sa Maguindanao massacre.

Ang masaker na ito ang ikinasawi ng 57 mamamayan, kabilang ang 15 kababaihan at 30 mga mamamahayag sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao noong ika-23 ng Nobyembre, 2009.

Kabilang sa mga akusado sina dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr., dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. dating acting Maguindanao Governor Sajid Ampatuan, suspendidong Autonomous Region in Muslim Mindanao Govenor Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan at halos 200 iba pa.

Unang hiniling ng National Union of Journalists of the Philippines at iba pang samahan ng mamamahayag na magkaroon ng media coverage ang pagdinig sa usapin. Si Pangulong Benigno Aquino III at ang Catholic Bishops Conference of the Philippines and humiling sa Korte Suprema na payagan na ang media coverage upang mabantayan ng madla ang pagdinig.

KINONDENA ni Fr. Francis Lucas, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Mass Media and Social Communications ang pagpaslang kay Romeo Olea, brodkaster ng DwEB-FM sa Camarines Sur kahapon.

Sa panayam ng CBCPNews, sinabi ni Fr. Lucas na ang anumang pagpaslang ay paglabag sa batas ng kalikasan at batas ng Diyos. Kawalan umano ito ng paggalang sa buhay.

Ipinaliwanag ni Fr. Lucas na ang anumang pagpaslang ay nagmumula sa kawalan ng paggalang sa buhay ng tao. Nanawagan din siya sa kinauukulan, sa mga pulis at iba pang opisyal ng pamahalaang gawin ang lahat upang makilala ang mga maykagagawan ng pagpaslang.

Si Olea ay binaril kahapon ng umaga samantalang patungo sa kanyang trabaho.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>