|
||||||||
|
||
ANG PATULOY na pagbuhos ng ulan dala ng panahong habagat ang nagpabaha sa Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat kaya't marami ang nagsilikas patungo sa iba't ibang evacuation centers.
Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin M. Bagaforo, ang patuloy na pagbuhos ng ulan at pagkakabara ng mga water lily sa Rio Grande de Mindanao ang dahilan ng pagbaha.
Halos pitumpu't limang porsiyento ng Lungsod ng Cotabato ang binaha.
Sinabi ni Bishop Bagaforo na kahit ang mga bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat at mga bayan ng Pikit, Kabacan at Carmen ay apektado na rin ng baha.
Nanawagan ang Obispo sa mga may kakayahang tumulong sa mga apektado ng pagbaha upang makabili ng pagkain, tubig na maiinom, mga gamot, kulambo, kumot at mga banig na matutulugan.
Ang mga mag-aaral ay naglunsad na rin ng kanilang fund campaign sa pamamagitan ng pag-aambag ng piso-piso para sa mga biktima ng baha.
Ang Simbahan sa Cotabato ay tutulong lamang sa pamahalaan sa pag-ayuda sa mga biktima.
Ayon kay Fr. David Procalla ng Cotabato Archdiocesan Social Action Center, halos 400,000 katao ang apektado ng baha.
SAMANTALA, sinabi Secretary Edwin Lacierda na natanggap na ng Department of Foreign Affairs ang tavel advisory para sa mga Americano na ipinalabas ng State Department of the United States. Nagkaroon na umano ng mga pagsusog sa naunang inilabas na travel advisory noong November 2, 2010 na nagpapakita na mayroong progreso sa secxurity situation kaya't ligtas naman ang mga turista at mga panauhin.
Patuloy na ginagawa ng Pamahalaang Aquino ang lahat upang matiyak ang public safety at seguridad ng lahat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |