Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Immigration, nagbabantay sa posibleng pagpasok ng mga terorista

(GMT+08:00) 2011-06-17 17:13:46       CRI

NAKA-ALERTO ang lahat ng intelligence operatives ng Bureau of Immigration and Deportation kasunod ng paglabas ng mga balitang nagbabalak ang mga kasapi sa Jemaah Islamiyah at ang Abu Sayyaf na maghasik ng lagim sa mga matataong lugar sa bansa.

Ayon sa mga balitang lumabas sa media dito sa Maynila, inutusan na ni Commissioner Ricardo David, Jr. ang kanyang mga intelligence operatives sa lahat ng daungan at paliparan na magbantay sa mga teroristang magtatangkang pumasok ng bansa.

May koordinasyon na rin naman sa militar at pulis ang mga taga-Immigration. Pinababantayan na rin ang mga sinasabing "high-risk nationals" at aalamin kung ano ang kanilang mga gagawin sa bansa. Sa oras na makita silang magtatangkang pumasok sa Pilipinas ay pipigilan na sila at isasakay sa unang eroplanong pabalik sa kanilang country of origin.

WALA umanong dahilan upang magsaya ang Pilipinas sa larangan ng human trafficking sapagkat lubhang nababahala si US Ambassador to the Philippines Harry K. Thomas sa performance ng Pilipinas laban sa human trafficking.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga huwes at mga taga-usig sa Davao City, sinabi ni Thomas na nagiging tapat lamang siya upang sabihing kulang pa rin ang ginagawa ng Pilipinas upang maiwasan ang human trafficking.

Dalawampu't limang usapin ng human trafficking ang nalutas sa Pilipinas noong 2010 samantalang 15 usapin naman ang nalutas noong 2009. Mayroon namang improvement kahit papaano sa paggagawad ng katarungan para sa madla.

SA PAG-UUSAP ng mga Pilipino at Australianong opisyal sa ilalim ng Philippines-Australia ministerial meeting, masayang ibinalita ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo na interesado ang mga kumpanyang Australyano sa IT industry at maging sa Business Process Outsourcing.

Kasabay na patitibayin ang relasyon ng dalawang bansa, Interesado ang Australia sa shipbuilding, electronics, engineering design at construction bagama't napuna ng mga Australiano ang mabilis na paglago ng mga nasa negosyo ng Information Technology at Business Process Outsourcing.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>