Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong malalaking proyekto, posibleng makansela; Ikatlong taong anibersaryo ng paglubog ng "Princess of the Stars", ginunita na

(GMT+08:00) 2011-06-20 17:53:21       CRI

Posibleng makansela o pag-aralang muli ang tatlong malalaking infrastructure projects na nagkakahalaga ng dalawang bilyong dolyar. Ayon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, kahit pa kailangan ng bansa ang mga programang ito, napakalaki ng halaga ng kontrata at may kakulangan sa teknolohiya.

Sa panayam ng Associated Press noong Biyernes, sinabi ni Pangulong PNoy na kanyang ipinakakansela ang paghuhukay ng lawa ng Laguna na iniutang sa Belgium, ipinasusuri ang proketong tren na tinutustusan ng Tsina samantalang ipinag-utos ang panibagong negosasyon sa mga Pranses sa kanilang proyektong may kinalaman sa roll on-roll off ports.

Sinusuri umanong mabuti ni Pangulong Aquino ang mga infrastructure projects na nilagdaan ng kanyang hinalinhan na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na inakusahan ng graft and corrupt practices.

Bagama't walang sinisi si Pangulong Aquino, sinabi niya na ang paghuhukay o dredging ang isa sa pinakamalaking pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal. Kinansela niya ang projektong P 18.7 bilyong piso o $ 430 milyon para sa pagpapalalim ng Laguna de Bay. Layunin ng proyektong mabawasan ang putik sa lawa upang maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila at magkaroon ng dagdag na tubig na maiinom ang mga mamamayan.

Layunin ng proyektong ilipat ang may labing-dalawang milyong metriko kubiko ng putik at ilipat sa ibang bahagi ng lawa sa susunod na tatlong taon. Sinabi ng pangulo na ang ganitong balak ay hindi katanggap-tanggap.

Baka raw mas makabubuting ilaan ang salapi sa kanyang P 21 bilyong conditional cash transfer na tutulong sa pinakamahirap na 2.3 milyong pamilyang Pinoy.

Tiniyak ng pangulo na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mabayaran ang mga pagkakautang lalo't mahalaga ang mga proyekto. Ang P 12 bilyon o $ 276 milyon mula sa Francia na gagawa ng 72 roll on-roll off ports na bakal sa buong bansa ay pag-aaralang mabuti sapagkat mayroon umanong overprice na 200 porsiyento samantalang 36 na daungan lamang ang kailangan ng Pilipinas.

Ipinag-utos din ng pangulo ang renegotiation ng isang proyektong magtatayo ng riles mula Maynila hanggang Clark Airport complex na mula sa isang utang sa Tsina na lubha umanong napakamahal. Humigit na umano sa $ 1.3 bilyon ang proyekto.

Balak lamang umanong magsakay ng mga pasahero at hindi kargamento at gagamit ng makipot na riles. Mas mahal umano ito sapagkat wala na sa standards at kailangang gawin ayon sa pangangailangan.

SINIMULAN na ng mga nakaligtas at mga kamag-anak ng mga nasawi at nawawala sa paglubog ng barkong "M/V Princess of the Stars" ang paggunita sa trahedyang naganap tatlong taon na ang nakalilipas.

Nagsama-sama ang mga biktima at naulila sa tanggapan ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta kaninang umaga at idinaos ang isang Misa ng Pag-alaala sa pamamagitan ni Fr. Robert Reyes.

Lumubog ang barkong "M/V Princess of the Stars" sa may baybayin ng San Fernando sa lalawigan ng Romblon, sa Sibuyan Sea noong ika-21 ng Hunyo 2008 sa kasagsagan ng bagyong "Frank."

Lulan ng sinamang-palad na barko ang 860 mga pasahero't tripulante. Tatlumpu't tatlo katao lamang ang nakaligtas sa trahedya.

Umabot na sa 140 labi ang nabawi mula sa barko samantalang pinaniniwalaang aabot sa 400 katao ang nawawala at nasa mga kamarote ng barko.

Nakausap ng China Radio International-Filipino Section/CBCPNews si Rowena Barret na namatayan ng kapatid na lalaki sa trahedya at nanawagan sa pamahalaang ituloy ang retrieval and recovery operations sa Romblon upang makuha ang labi ng may 400 mga biktimang nasa loob pa ng barko.

Ayon naman kay Dr. Erwin Erfe, pinuno ng Public Attorney's Office Forensic Section, isang malaking problema ang kanilang kinakaharap sapagkat may mga biktimang nawalan na ng mga personal belongings tulad ng mga pitaka at mga identification cards tulad ng ATM cards. Kabilang si Dr. Erfe sa mga tauhan ng PAO at Philippine Coast Guard na sumisid papasok sa barko ng makailang-ulit.

Idinagdag ni Dr. Erfe na hindi nabantayan ng mga autoridad ang kinalubugan ng barko kaya't napasok ng mga magnanakaw.

Bukas diringgin ang dalawang usaping nasa dalawang hukuman sa Maynila laban sa Suplicio Lines, Inc. ayon kay Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta.

Nakalulungkot subalit sa nakalipas halos 24 na taon at 12 trahedya sa mga karagatan ng Pilipinas kinatampukan ng mga sasakayang-dagat, umaabot na sa 6,357 ang mga nasasawi't mga nawawala.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>