Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Patuloy na pag-ulan, nagdulot ng pinsala sa sakahan

(GMT+08:00) 2011-06-23 18:30:36       CRI

NAGSIMULA nang madama ang pinsalang dulot ng patuloy na pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Kagawaran ng Pagsasaka, tinamaan na ang mga pananim at mga alagaing hayop sa Mindanao at tinatayang aabot sa halos pitong-daang milyong piso ang nawala na sa mga magsasaka mula sa Gitnang Luzon, sa Gitnang Mindanao, sa Silangan at Katimugang Mindanao at maging sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa mga lalawigan pa lamang ng North Cotabato at Maguindanao ay aabot na sa P 590 milyon ang naging pinsala. Nadama na rin ang dagok ng mga pag-ulan sa Bukidnon, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao City, South Cotabato at Cotabato City. Sa Gitnang Luzon, dama na rin ang pinsala sa Bataan at Zambales.

Aabot naman sa 26,600 ektarya na natatamnan ng palay at mais ang naapektuhan ng patuloy na pag-ulan. Hindi na umano makakabawi pa ang 14,545 na ektaryang palayan at higit sa limang libong ektaryang maisan.

Mabuti na lamang at wala pang isang porsiyentong palayan ang napinsala ng mga pag-ulan at pagbaha. Karamihan sa mga palayang binaha ay namumulaklak pa lamang kahit pa higit sa 18 libogn ektarya ang napinsala.

Sa maisan, umabot naman sa 7,820 metriko tonelada ang napinsala.

Idinagdag ng Kagawaran ng Pagsasaka na limang daang milyong piso ang napisala sa mga palayan samantalang P 137 milyon ang pinsala sa maisan samantalang siyam na milyong piso ang nawala sa kinikilalang high value crops tulad ng mga gulay, saging at tubo (sugarcane). Ang pinsala sa mga manukan at babuyan ay umabot na sa isang milyong piso.

PITONG mangingisda naman ang nawawala matapos mangisda noong Miyerkoles ng gabi sa karagatan sa may Virac, Catanduanes. Bagama't nakilala na ng mga may kapangyarihan ang mga nawawalang mga mangingisda na sakay ng tatlong bangkang de motor hindi pa rin sila natatagpuan hanggang sa mga oras na iyo. Nangisda pa rin ang mga kalalakihang ito kahit inanunsyo na mayroong paparating na sama ng panahon noong Hwebes.

Mayroon na ring mga search ang rescue operations na inilunsad ang tanggap.ng gobernador ng Catanduanes. Mayroon ding naibalitang mga pagguho ng lupa sa mga ilang barangay ng Guinobatan at Libon sa lalawigan ng Albay

SAMANTALA, kanselado na ang mga klase kaninang mga ikatlo ng hapon dahilan sa matinding ulan na nagdulot ng baha sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>