Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Food security, dapat maging prayoridad ng pamahalaang Pinoy

(GMT+08:00) 2011-06-24 18:44:07       CRI

src="mms://media.chinabroadcast.cn/fil/ulatnimelo/20110624.wma"

type="video/x-ms-wmv" width="285" height="44">

NARARAPAT na bigyang pansin ng pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang "food security" at masabayan na rin ng mga programang maituturing na "sustainable."

Ito ang pahayag ni Ginoong Kazuyuki Tsurumi, ang country representative ng Food and Agriculture Organization sa Pilipinas upang malampasan ang mga suliranin ng pagsasaka tulad ng kakulangan ng produksyon, "climate change" at epekto ng mga itinatadhana ng World Trade Organization sa mga kasaping bansa.

"Isang mahalagang bagay na tugunan ng bansa ay ang kinalabasan ng mga pag-aaral na nagsasabing dalawampung porsiyento ng mga Pilipino ang kung sa pagkain sa kanilang mga hapag," ani Ginoong Tsurumi sa pagsisimula ng isang trade fair na itinataguyod ng mga Kagawaran ng Pagsasaka, Repormang Agraryo at Kapaligiran at Kalikasan sa SM Mega Mall kaninang umaga.

Kailangan din umanong madagdagan ang ani ng palay sapagkat bigas ang karaniwang kinakain ng mga Pilipino. Kailangan ding sabayan ito ng produksyon ng iba pang kinakain sa Pilipinas.

Bagaman, nanawagan si Tsurumi na huwag namang abusuhin ang paggamit ng lupa at alamin din ang mga suliraning may kinalaman sa tubig at kung paano pakikinabangan ng mga umaasa sa sahod-ulang mga taniman ang tubig para sa kanilang mga sakahan.

Dapat umanong magkaroon ng maayos na supply ng pagkain sa presyong abot-kaya ng madla.

Mayroon umanong mga "success stories" hindi lamang sa mga Third World countries kungdi maging sa Pilipinas sapagkat mayroong kakayahan ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka at mga magsasakang madagdagan ng "value added" ang kanilang mga inaani sa mga kabukiran.

Kasabay nito, sinabi pa ni Ginoong Tsurumi na nararapat pagtulungan ng pamahalaan at mga magsasaka ang mga pamamamarang may kinalaman sa "marketing" upang higit na madagdagan ang kita ng mga magsasaka.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>