Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kinatawan ng Pilipinas at MILF, nagpulong na sa Kuala Lumpur/Pampanga, isinailalim sa State of Calamity/Pangalawang anak ni dating Pangulong Ramos, pumanaw na

(GMT+08:00) 2011-06-27 18:10:15       CRI

NAGPULONG na ang mga kinatawan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front ngayong araw na ito sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang bahagi ng layuning makabuo ng kasunduang magwawakas sa paghihimagsik ng mga Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Kumpirmadong nagsimula na ang pulong subalit walang iba pang detalyes. Nagsimulang maghimagsik ang mga Muslim na kanilang sa MILF laban sa pamahalaan noong 1978 upang magkaroon ng malayang lupain para sa mga Muslim sa mayamang pook ng Mindanao. Kumpirmadong umalis ang lupon ng MILF noong nakalipas na Biyernes patungong Kuala Lumpur. Magtatagal ang pulong ng MILF at ng mga kinatawan ng Pilipinas hanggang bukas, a-28 sa buwan ng Hunyo. Higit na sa isang daan at limampung libo ang nasasawi sa magkabilang panig.

Nagkaroon ng pansamantalang tigil-putukan noong 2003 upang maituloy ang peace talks subalit nauwi muli sa mga sagupaan. Nagsimulang-muli ang peace talks sa pamamagitan ng Malaysia noong Pebrero taong kasalukuyan.

Noong nakalipas na Abril, isinulong ng MILF ang kanilang draft agreement. Inaasahang maglalabas naman ang Pilipinas ng kanyang bersyon ng kasunduang inaasahang magiging katanggap-tanggap sa mga kabilang sa MILF.

Magugunitang humarap sina Mohaqer Icbal sa mga Obispo ng Simbahang Katoliko ng Mindanao, mga mangangalakal at civil society sa Maynila at mga kinatawan ng diplomatic corps upang ipaliwanag ang kanilang posisyon.

NASA ilalim na ng State of Calamity ang lalawigan ng Pampanga dahilan sa patuloy na pag-ulan na nagpabaha sa 18 sa 20 bayan sa pook. Sa isang sesyon ng provincial board, napagkasunduang ideklara ang state of calamity upang magamit ang pondo ng lalawigan sa pag-ayuda sa mga napinsala ng baha.

Umabot sa 273 barangay sa 18 bayan sa Pampanga ang baha na may taas na apat na talampakan. Higit sa dalawang libong pamilya mula sa mga bayan ng Guagua, Sasmuan, Floridablanca, Bacolor, Sto. Tomas at Mexico at Lungsod ng San Fernando ang lumikas patungo sa mga barangay hall at mga paaralan. Ang ibang mga nasalanta nama'y nakitira sa mga kamag-anak.

Suspendido ang klase sa higit sa 100 mga paaralan sa lalawigan na ngayo'y ginagamit na evacuation centers.

NAGPAABOT ng kanyang pakikiramay si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pamilya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at ng kanyang maybahay sa pagpanaw ng kanilang anak na si Josephine Martinez Ramos dahilan sa karamdamang cancer ngayong Lunes.

Pinapurihan ng Pangulong Aquino ang mga nagawa sa larangan ng Musika at Sining ng namayapang anak ng dating pangulo ng bansa, ganoon din naman sa kanyang paglahok sa Palakasan (Sport), sa South East Asian Games noong 1970s. Ipinaabot ng Pangulong Aquino ang kanyang taos-pusong pakikiramay at pagtiyak na mga panalangin sa pangungulila ng Pamilya Ramos.

Ang anak na namayapa ni dating Pangulong Ramos ang ikalawa sa limang supling na pawang kababaihan. Pumanaw siya sa Medical City dahilan sa kanser sa baga. Nagsanay sa ilalim ni Prof. Carmencita Guanzon-Arambulo, na nagtatag ng Greenhills Music Studio at nakasama rin sa mga konsiyerto nina Marites Salientes, Louie Ocampo at Rowena Arrieta. Naging back-up singer din siya ng grupo ni Gary Valenciano at ng Powerplay Band ni Mon Faustino. Nag-aral sa International School kung saan siya naging scholar at maging sa University of the Philippines College of Fine Arts at nakalahok sa iba't ibang workshops sa Estados Unidos. Sa Palakasan, kasama siya sa RP Ladies National Water Skiing Team sa South East Asian Games. Namayapa siya sa edad na 54 at naulila niya ang kanyang anak na si Sergio, 17 taong gulang na nag-aaral ng Musika, Drama at Sayaw. Ihahatid siya sa huling hantungan sa Biyernes, a-uno ng Hulyo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>