Ang Xi'an ang capital ng probinsyang Shaanxi. Ito din ay isa sa mga tinaguriang the Four Great Ancient Capitals of China. At dahil nga sa mga makasaysayang monumento at mga bagay bagay sa syudad na ito, ang Xi'an ay isa sa mga pinakadinadayong lugar ng mga turista sa Tsina, at ang turismo ay naging isang importanteng bagay para sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
Noong summer vacation ay pumunta ako sa Xi'an sakay ng tren mula Beijing, medyo nakakapagod pero masaya dahil ito ang unang paglalakbay ko sakay ang tren ng Tsina. Kasama ko ang aking mga kaibigan na karamiha'y mga taga-Korea. Dahil hindi namin kabisado ang lugar at hindi pa ganoon kagaling ang aming Mandarin, sumama nalang kami sa isang tour group ng mga Tsino. Sa totoo lang hindi din namin naintindihan ang tourist guide dahil purong Tsino ang salita nito, lalo na habang ito'y nagpapakilala ng mga lugar lugar, buti nalang at my mga pagpapakilalang nasa Ingles sa paligid ng mga tourist spots.