Syempre't hindi namin pinalamapas ang Mausoleum ni Qin Shi Huang and his Terracota Army. And as expected, hindi mahulugang karayom nanaman sa dami ng tao na dumayo dito. Napakalaki ng lugar ngunit nagsisiksikan pa din kami dahil nga sa dami ng tao. Sa aming pagpasok tumambad sa amin ang hile-hilerang terracota soldiers. Hindi lahat ng ito ay buo, may ilang mga sundalo kung hindi putol ang ulo, putol ang kamay o paa. Sa bandang gitna makikita ang mga lupaing nakanumero pa, dito'y bahagyang makikita ang ilang pirasong bahagi ng katawan ng mga sundalo, sa palagay ko'y ito ay isang palatandaan kung saan nadiskubre nila ang mga parteng ito at dito sila maghuhukay sa pag-asang may mataguan pang iba. Sa huling banda nama'y pinapakita ang pagsasaayos ng mga ito, ang pagdidikit-dikit ng bawat parte para maging isang buong sundalo.