Dinaan din namin ng isa pa pinakadinadayuhang lugar sa Xi'an, ang Huaqing Pool. May mahigit 3000 taon ang kasaysayan ng lugar na ito na itinayo ni King You ng Dynsatiyang Zhou sa paanan ng bundok na tinawag na Li Palaca. Naging pinakaganda ang Huaqing pool sa panahon ng dynastiyang Tang. Sa panahong ito, tinayo ni Emperor Xuanzong ang mga magagarang palasyo. Sa mga palasyong ito itinayo ang malalaking paliguan para sa imperial family at pinaligiran ng mga pader ang buong lugar na tinawag na Huaqing Palace.