Sa pinakhuling araw namin sa Xi'an, dinayo namin ang Bell Tower and Drum Tower Square at ang Bog Wild Goose Pagoda. Makasaysayan din ang dalawang istrakturang ito. Ang Bell tower at ang Drum Tower ay tinatawag nilang sister buildings, o morning bell and dark drum. Ang mga ito ay ginamit noon upang ipaalam sa mga tao ang oras at ginagamit din ito sa mga okasyong may nais ipahayag ang kaharian. Mas malaki pa ito sa Drum tower na aking napuntahan sa Beijing, dahil ito ang pinakamalaki sa buong Tsina. Sayang at hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapakinig ng musical performance ng mga drum dito.