Sa kabilang banda, ang Big Wild Goose Pagoda naman ay dating lugar na pinaglalagayan ng mga nakolektang mga buddist materials. Ang panlabas na kaanyuan nito ay mukhang isang pangkaraniwang pagoda lamang na may pitong palapag. May isang hagdanan ito sa loob paakyat sa tuktok, at sa mga bintana ng pagoda ay masisilip mo ang buong syudad ng Xi'an. Matapos nito ay pumanhik na kami sa aming hotel at dito na nagtapos ang aking paglalakbay sa Xi'an, na para sa akin ay ang pinakamakasaysayang lugar sa Tsina.