Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkaka-alis sa Tire 2 Watchlist, ipinagpasalamat

(GMT+08:00) 2011-06-28 17:51:10       CRI

IPINAGPASALAMAT ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang pagkaka-alis ng Pilipinas mula sa Tier 2 Watchlist ng 2011 State Department Trafficking in Persons Report na ipinalabas ng pamahalaan ng Estados Unidos kahapon.

Ayon kay Kalihim Albert F. Del Rosario, ang pangyayaring ito ay isang maliwanag na pagkilala sa mga nagawa ng Administrasyong Aquino sa kampanya laban sa human trafficking.

Sinabi ni Ginoong Del Rosario na kapuri-puri ang ginawa ng Inter-Agency Council Agaisnt Trafficking sa ilalim ni Kalihim Leila de Lima at Undersecretary Jose Vicente B. Salazar at DFA Undersecretary for Migrant Workers Estaban B. Conejos, Jr.

Idinagdag pa niya na pag-iibayuhin pa ng Pilipinas ang magagawa nito upang mapigil ang human trafficking at magkaroon ng malawakang proteksyon ang mga manggagawang Pilipjno sa iba't ibang bahagi ng bansa. Umabot ng may dalawang-daang porsiyento ang itinaas ng mga nahatulan dahilan sa human trafficking, kabilang na ang mga lumabag sa batas sa pamamagitan ng labor trafficking.

Nawala na rin ang peligrong magkaroon ng sanctions laban sa Pilipinas dahilan sa mga angkop na palatuntunang sasagot sa salot ng human trafficking.

DINALAW na ngmga tauhan ng Konsulado ng Pilipinas sa Honolulu ang may 40 mangingisda at magdaragat na Pilipino sa Pier 38 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Seafarers' Day. Nilagdaan na ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Presidential Proclamation 1893 na nagdedeklara sa ika-25 araw sa buwan ng Hunyo bilang Filipino Seafarers' Day.

Karamihan sa mga magdaragat at mangingisda'y mga walang entry visa sa America kaya't hanggang pier lamang sila at mahigpit na binabantayan ng mga opisyal ng Customs at Immigration sa Hawaii,

Karaniwan nang isanasagawa ang mga pagsasalu-salo ng mga tauhan ng konsulada at mga may-ari ng mga bangkang pangisda kasama ang mga magdaragat at mga mangingisda. Layunin din ng pagdalaw na ito na malaman ang kanilang kalagayan sa paghahanapbuhay upang matulungan sa pinakamadaling panahon.

PINASALAMATAN naman ni Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano-Soliman ang mga volunteer na tumulong sa pagsasaayos, pagbubuhat at pamamahagi ng relief goods para sa mga binaha sa Lungsod ng Cotabato.

Ani Ginang Soliman, nakita na naman ang kahalagahan ng bolunterismo sa panahon ng kagipitan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng pagbaha na nasa iba't ibang evacuation centers at mga barangay.

Kabilang sa pinasalamatan at pinapurihan ni Ginang Soliman ang tanggalan ng Cotabato Social Action Center sa ilalim ni Arsobispo Orlando Quevedo, ang Alpha Phi Omega Fraternity, Awang Evangelical Church, Notre Dame Village residents, mga taga Barangay Rosary Heights, mga samahan ng mga kabataang Muslim, mga mag-aaral at maging mga kawani ng Lalawigan ng Timog Cotabato.

Nasa halos apatnapu't tatlong libong mamamayan ang nasa loob ng 43 evacuation centers sa lungsod. Umabot na rin sa halos labingdalawa't kalahating milyong pisong halaga ng relief goods ang naipamahagi hanggang sa araw na ito sa Lungsod ng Cotabato.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>