Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Imports ng Pilipinas, tumaas noong Abril

(GMT+08:00) 2011-06-29 17:05:45       CRI

TUMAAS ang merchandise imports ng Pilipinas ng may 20.3 porsiyento sa buwan ng Abril, 2011 kung ihahambing sa datos noong nakalipas na taon dahilan sa mas mataas na ibinayad para sa petroleum crude at electronics.

Ito ang pinakahuling balita mula sa National Economic and Development Authority.

Subalit ang lima't kalahating bilyong dolyar (US $ 5.5 bilyon) na merchandise imports noong Abril ay may mababa ng 0.9 % kaysa noong nakalipas na buwan ng Marso, 2011 ayon sa National Statistics Office.

Ayon kay NEDA Director General Cayetano W. Paderanga, ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ang siyang nagpataas ng salaping ibinayad ng Pilipinas sa ibang bansa. Lumaki ng 91.6% ang ibinayad sa petroleum crude imports kung ihahambing sa buwan ng Abril taong 2010.

Tumaas ang presyo ng petrolyo mula sa Dubai ng may 38.5% mula sa $ 83.59 kada bariles noong 2010 at umabot sa $ 115.77 sa bawat bariles nitong nakalipas na buwan ng Abril.

Ang Estados Unidos pa rin ang nangungunang pinagmumulan ng imports ng Pilipinas noong abril at nakapag-ambag ng 11.1% sa inward shipments. Nagkahalaga naman ng $ 609.5 milyon ang nabili ng Pilipinas sa Estados Unidos at tumaas ng 26.5% kung ihahambing sa taong 2010.

Ang Tsina ay nakapagbili rin sa Pilipinas ng may 9.5%, Singapore, 8.5%, Taiwan 8.3% at Japan, 8.9%.

NALUNGKOT naman ang civil society organizations na sumusuporta sa peace process sa Mindanao dahilan sa hindi pagsusumite ng Pilipinas ng counter-proposal sa buradol ng Comprehensive Compace na isinumite ng Moro Islamic Liberation Front sa pagpupulong nila sa Malaysia noong nakalipas na Abril.

Isang nilagdaang pahayag ang inilabas ng may 15 malalaking koponan ng mga samahan na kinabilangan ng ilang may tanggapan sa Maynila, ang kinakitaan ng kanilang pagdaramdam sa hindi paglalabas ng counter-proposal nina Dean Marvic Leonen ng Government Peace Panel sa kanilang pinakahuling pulong sa Kuala Lumpur nitong nakalipas na Lunes at Martes, a-beinte siete at a-beinte ocho ng Hunyo, 2011.

NAKATAKDANG humarap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines sa darating na Biyernes si Foreign Affairs Secretary Alberto F. Del Rosario sa ganap na ika-walo ng umaga. Gagawin ang panayam sa isang five-star hotel sa Makati at tatagal ng dalawang oras.

Inaasahang matatalakay ang pinakahuling pangyayari sa Spratlys. Antabayanan ang detalyes sa China Radio International Filipino Section sa Biyernes ng gabi.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>