Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Unang taon ni PNoy sa Malacanang ginunita

(GMT+08:00) 2011-06-30 18:57:06       CRI

SA unang taong panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III nakita na umano ang ilang upgrades sa credit ratings, sa mga sinasabing landmark policies at mga batas para sa repormang kailangan sa ekonomiya at politika.

Ito ang buod ng pahayag ng tagapagsalita ng Pangulong Aquino na si Atty. Edwin Lacierda. Daan-daang libong hanapbuhay umano ang natamo ng mga manggagawa at nakikita na ang darating na kaunlaran.

Hindi na umano uubra ang paghahari ng mga mayayaman at may poder sa paghihirap ng nakararaming nagdarahop. Naganap na umano ang pagbabalikatan ng pamahalaan at ng mga mamamayan at nakatitiyak na darating ang katarungan sa mga naghahanap nito. Wala umanong yayanig sa tibay ng pamahalaan tungo sa matuwid na daan, dagdag pa ni Atty. Lacierda.

KASABAY ng pagdiriwang ng Pangulong Aquino ng kanyang unang taon sa Malacanang, lumabas naman ang balita na titigl na ang Saudi Arabia sa pagbibigay ng work permits sa mga domestic helpers na magmumula sa Pilipinas at Indonesia kasunod ng dagdag na kahilingan ng mga bansang nasa Asia.

Wala na umanong work visas para sa domestic workers mula sa Indonesia at Pilipinas mula sa araw ng Sabado (July 2) dahilan umano sa kalakaran ng recruitment mula sa dalawang bansa.

Kukuha na lamang ng mga domestic helpers mula sa ibang bansa ang Saudi Arabia ayon sa kanilang tagapagsalita na si Hattad bin Saleh al-Anzi.

Ikinalungkot ng Indonesia ang paraan ng pagtrato ng Saudi Arabia sa kanilang mga kababayang manggagawa kasunod ng mga usapin ng pang-aabuso at pagpaslang. Isang babaeng mula Indonesia ang pinugutan ng ulo kamakalawang linggo dahilan sa pagpaslang sa kanyang amo. Pinauwi ng Indonesia ang kanyang ambassador sa Saudi Arabia para sa serye ng mga konsultasyon.

Daang libo ang mga manggagawa ng Indonesia sa Saudi Arabia.

Sa Pilipinas, umabot naman sa 11,582 na domestic helpers ang nakarating ng Saudi noong nakalipas na taon. Ang bilang na ito'y bumubuo ng mga bagong lagda ng kontrata sa kanilang mga ahensya. Hindi kabilang ang mga datihan nang domestic helpers sa mayamang bansa ng Saudi Arabia. Nagkasamaan na ng loob ang Pilipinas at Saudi Arabia tungkol sa mga working conditions ng mga Pinay na domestic helpers doon.

Una nang humingi ang Pilipinas na minimum wage na $ 400 US subalit hindi naman ito nasunod at may nagpapasahod pa rin ng $ 210 US sa bawat buwan. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, ang average ng kita ng mga domestic helpers mula sa Pilipinas sa Saudi ay umaabot sa $ 400.99 US. Mawawalan ng remittances na aabot sa $ 55,731,194.16 US o halos dalawa't kalahating bilyong piso sa bawat taon.

Karamihan ng mga manggagawang galing sa Asya ang nabibiktima ng mga abusadong employer na mayroong mahina o hindi nasusunod na labor laws.

HINDI uubra ang same sex marriage sa Pilipinas. Ito ang pahayag ni Civil Registrar General Carmelita N. Ericta sa panayam ng CBCP News.

Sinabi ni Ginang Ericta na maliwanag ang itinatadhana ng Family Code of the Philippines na ang sinumang nagbabalak magpakasal ay dapat maging isang babae't isang lalaki."

Kailangang sila ay mayroong legal capacity na magpakasal sapagkat kung wala ito'y mawawalang saysay sa simula pa lamang.

Naunang naibalita na nagkaroon ng "same sex marriage" sa Baguio City noong nakalipas na ilang linggo at sinabi ni Ginang Ericta na ang dalawang taong magkasing-uring magpapakasal ay hindi maituturing na "legally binding."

Ang sinumang magkakasal ng parehong lalaki o parehong babae ay maaaring panagot sa kanyang paglabag sa batas.

Inalam din ng Office of the Civil Registrar General at National Statistics Office ang katayuan ng nagpakilalang ministrong nagkasal sa parehong lalaki at parehong babae at nalamang wala ang mga ito sa talaan ng mga lisensyadong solemnizing officers.

Ani Ginang Ericta, ang kasal sa pagitan ng parehong lalaki o parehong babae ay 'di kailanman maipatatala sa mga tanggapan ng Civil Registrar sa buong bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>