Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga binaha, ayaw pang uuwi

(GMT+08:00) 2011-07-08 17:58:59       CRI

AABOT sa may limang libong pamilyang inilikas dahilan sa mga pagbaha noong isang buwan ang tumangging umuwi sa kanilang mga tahanan kahit pa pinakikiusapan na ng mga opisyal ng lungsod.

Kahit pa umano bumaba na ang baha, wala pa rin silang matinong matitirhan sapagkat may baha pa rin. Pinababantayan na ng punong-lungsod Japal Guiani, Jr. ang mga pinuno ng barangay na mag-ulat sa pagbaba ng tubig baha.

Kung magiging maayos na ang kanilang kalagayan, saka lamang sila mapapauwi sa kanilang mga barangay, sabi ni Ginoong Guiani.

Halos lahat sa 37 mga barangay ang binaha ng umapaw ang tubig sa Rio Grande de Mindanao noong Hunyo. Isinisi ang pagbaha sa pagkarami-raming water lily na bumara sa pagdaloy ng tubig patungo sa karagatan.

Hindi naman mapipilit umuwi ang mga mamamayan kung talagang apektado pa rin ng baha ang kanilang mga tahanan, mga hanapbuhay at bukirin.

Itutuloy naman ang pagpapadala ng relief goods sa kanila kahit pa nakauwi na sila, dagdag ni Ginoong Guiani.

SAPAGKAT hindi na kakayahin ng mauunlad na bansang umalalay pa sa mga bansa sa Asia-Pacific region, kailangan na umanong maghanap ng mga mapapagkakitaan ang mga bansa sa bahaging ito ng daigdig.

Kahit pa ang mga umuusbong na bansa sa Asia Pacific region ang nagpapasigla sa pandaigdigang paggalaw ng economia, wala pa ring katiyakan kung magtatagal ang kanilang kakayahang maituloy ang ibayong sigla.

Ayon kay Noeleen Heyzer, UN Under-Secretary General and Executive Secretary ng UN Economic and Social Commission for Asia and the Pacific, ang rehiyon ay nararapat magbigay pansin sa pagbabawas ng kahirapan at isama ito sa mga paraan upang masuhayan ang pag-unlad ng bansa.

Ang poverty reduction, na kanilang sa development and Millennium Development Goals ay magiging mahalaga upang magpatuloy ang kaunlaran sa mga susunod na panahon, ayon kay Heyzer.

NANAWAGAN ang World Health Organization sa West Pacific Region sa mga bansa sa bahaging ito ng daigdig na kumilos upang higit na mabatid ng mga mamamayan ang masamang epekto ng paninigarilyo sa kanilang buhay. Huwag na sanang madamay pa ang mga kabataan sa bisyong ito.

Sa pahayag ni Dr. Shin Young-soo, WHO regional director para sa Western Pacific, ang mga tao'y may karapatang mabatid ang masamang epekto ng paninigarilyo. Magaganap lamang ito sa oras na makita nila ang mga larawang makatatawag-pansin nsa madla.

Obligasyon umano ng mga bansang magpasa ng mga batas na magbabawas sa bisyo ng paninigarilyo upang huwag nang dumami pa ang mga may karamdamang dulot ng usok mula sa sigarilyo, sabi pa ni Dr. Shin.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>