Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga manggagawang Pilipino, pinaalalahanan na naman

(GMT+08:00) 2011-07-12 18:17:11       CRI

NANAWAGAN na naman ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang mga mamamayan na huwag na huwag tatanggap ng anumang padala mula sa sinuman lalo pa't droga ang ilalakip sa kanilang mga bagahe sapagkat mabibigat na parusa ang naghihintay sa kanila.

Ito ang inilabas na paala-ala ng kagawaran matapos mag-ulat ang Philippine Consulate General sa Shanghai na dalawang Pilipinong una nang pinatawan ng parusang kamatayan na mayroong dalawang taong "reprieve" ang nakatanggap ng "commutation" at naging pagkakabilanggong habang-buhay na lamang sa desisyon ng Hangzhou Intermediate People's Court dahilan sa kanilang kabutihan sa loob ng bilangguan.

Ang dalawang Pilipino, isang babae't isang lalaki, ay nadakip sa Hangzhou, China noong a-25 at a-27 ng Oktubre noong taong 2008. May dala silang isang libo, dalawang-daang gramo ng heroina sa kanilang mga bagahe.

Sa ilalim ng criminal law ng Tsina, ang sinumang madadakpan ng higit sa 50 gramo ng illegal drugs ay maaaring mahatulan ng kamatayan sa oras na mapatunayang nagkasala.

Ang gobyerno Pilipino ay mayroong malakas na anti-drug policy at nakikipagtulungan sa iba't ibang tanggapan ng mga autoridad sa iba't ibang bansa upang masugpo ang drug trafficking.

LABINGPITONG mga brodkaster mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ang nakatakdang dumalaw sa Tsina sa ilalim ng State Administration for Radio, Television and Film at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Exchange Visit program mula sa Miyerkoles, Agosto 24 hanggang Martes, Agosto 30.

Pamumunuan ni KBP President and Mrs. Herman Z. Basbano ang grupo at makakasama sina George Salabao, president ng St. Jude Thaddeus Institute of Technology, Ric Climaco ng Notre Dame Broadcasting Corporation, Alberto Sikat, vice president for radio ng KBP, Joselito Yabut, Corporate Secretary ng KBP, Eduardo Roxas ng Primax Broadcasting Network, Eliseo Manlangit ng Notre Dame Broadcasting Corporation, Maximo Tutor ng Agusan Communication Foundation, Cristina Esperanza Honrado ng Ad Standards Council at pitong iba pa.

Ito ang ikalawang pagdalaw ni Ginoong Basbano at ng kanyang maybahay na si Josefina sa Beijing at sa mga kalapit na pook.

Mahigit na sa dalawang dekada ang pagpapalitan ng pagdalaw ng mga broadcast journalist ng Tsina at Pilipinas na nagpalawak sa pag-unawa sa kultura, kasaysayan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>