Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

MGA OBISPO, HUMARAP SA PAGDINIG NG SENADO

(GMT+08:00) 2011-07-13 19:00:39       CRI

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, magkakasamang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee ang pitong mga Obispo ng Simbahang Katolika upang ipaliwanag ang kasaysayan ng mga sasakyang tinanggap nila sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Umabot na sa higit sa dalawang linggong laman ng pahayagan ang sinasabing kontrobersya.

Magkakasamang humarap sina Cotabato Archbishop Orlando B. Quevedo, Zamboanga Archbishop Romulo Valles. Basilan Bishop Martin Jumoad, Juan De Dios Pueblos ng Butuan, Bishop Leopoldo Jaucian ng Abra, Bishop Rodolfo Beltran ng Bontoc-Lagawe at Bishop-Elect David Wiliam Antonio ng Nueva Segovia.

Sinabi nilang ang mga sasakyan tulad ng Nissan 4x4 at iba pa ang ginagamit sa social services o paglilingkod sa mga mahihirap na komunidad.

Isang mahalagang bagay ang napatunayan sa pagdinig, walang sinuman sa pitong Obispo ang tumanggap ng Pajero tulad ng ipinahayag ng PCSO sa media.

Nang tanungin ni Senador Jinggoy Estrada sa PCSO Chairman Margie Juico kung saan nagmula ang bansag na "Pajero Bishops," hindi naipaliwanag ng pinuno ng ahensyang may kinalaman sa loterya sa Pilipinas ang kwento.

Ayon kay Senador Miriam Defensor Santiago, isang batikang dalubhasa sa Saligang Batas, walang nilabag ang mga Obispo sa kanilang pagtanggap ng tulong mula sa PCSO. Bagaman, nanawagan ang mambabatas na marapat na siyasatin ang mga ginagawa ng PCSO at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Tinapos na ni Senador Teofisto Guingona ang pagdinig samantalang tiniyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na ipagpapatuloy pa ang pagsisiyasat sa mga ginagawa ng PCSO ngayon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>