|
||||||||
|
||
Umaasa ang tanggapan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na hindi magiging dahilan ng 'di pagkakaunawaan ang padalaw ng limang mambabatas sa Pag-Asa Island kahapon.
Ayon Kay Secretary Edwin Lacierda, walang basbas ng Malacanang ang pagdalaw ng mga mambabatas sa Spratlys. Ito ang kanyang reaksyon matapos banggitin ni Foreign Affairs UnderSecretary Esteban Cojenos na ipinarating ni Chinese Ambassador Liu Jianchao ang kanilang pagkadismaya sa insidente.
Idinagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo na madalas namang nag-uusap ang magkabilang-panig. Bagama't kinikilala ng Pilipinas ang ikinababahala ng Tsina, umaasa siyang hindi ito magiging hadlang sa magandang relasyon ng dalawang bansa.
Laging bukas ang linya ng komunikasyon para sa mga Tsino, dagdag pa ni Ginoong Lacierda.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |