|
||||||||
|
||
Dumalaw sa Campo Crame ang mga ambassador ng European Union upang saksihan ang paggamit ng mga pulls sa makabagong kagamitan sa ilalim ng kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at European Union Justice Support Programme, marinig at matuto sa mga pulis ng kanilang mga nagawa gamit ang ini-ambag nila at ang pangangako ng European Union na gagastusan nila ang isang bagong programa upang mapabilis ang pag-ikot ng gulong ng katarungan at malabanan ang palakasan.
Ito ang pahayag ni European Union Ambassador Guy Ledoux sa harap nina Justice Secretary Leila de Lima at PNP Chief Director Generlal Raul Bacalzo at iba pang opisyal ng PNP at Department of Justice.
Humingi ng technical assistance si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay European Commission President Barroso noong 2006 sa kanyang pagdalaw sa Brussels. Naganap ito bago lumabas ang Melo Commission at Alston Report tungkol sa extra-judicial killings. Kabilang sa prayoridad ng European Union ang paggalang sa karapatang pangtao at paggalang sa batas.
Gumastos ang EU ng € 3.9 milyon o P234 milyon at sa 19 na buwan, tatlong dalubhasa na tinulungan ng 35 mga eksperto sa pagsasanay ang mga alagad ng batas. Nabigyan din ng mga makabagong gamit ang PNP at Commission on Human Rights kasabay na rin ng pagtulong sa civil society organizations.
Ani Ginoong Ledoux, bumaba na ang bilang ng mga paglabag sa human rights sa unang taon ni Pangulogng Aquino at umabot lamang sa 90 mula sa 139 bawat taon noong nakalipas na pamahalaan.
Susuportang muli ang European Union sa pamamagitan ng ayuda sa mga pulis at iba pang alagad ng batas sa pamamagitan ng €10 milyon o P600 milyon sa mga darating na araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |