Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan Pilipino determinado sa paglaban sa child at human trafficking

(GMT+08:00) 2011-08-04 17:44:36       CRI

DETERMINADO ANG pamahalaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na sugpuin ang child trafficking na bahagi ng human trafficking, Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng programa upang masugpo ang child at human trafficking, sinabi ni Pangulong Aquino na madalas mabiktima ang mga kabataan ng mga sindikato dahilan sa kahirapan ng mamamayan.

Idinagdag ng pangulo na suportado niya ang lahat ng grupong lumalaban sa child at human trafficking sapagkat maraming kabataang mapapahamak sa oras na pabayaan ang mga sindikatong kumilos at mangalap ng mga kabataang gagamitin sa prostitusyon, pornography at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.

May dalawampung porsiyento umano ng mga mamamayan ang nabubuhay ng mas mababa sa poverty line kaya't layunin niyang makagawa ng mas maraming hanapbuhay.

Sa paglaki umano ng ekonomiya ng may 7.6 % tulad ng pagkakasukat ng Gross Domestic Product noong nakalipas na taon, higit umanong gaganda ang takbo ng ekonomiya. Nagkaroon na umano ng 1.4 milyong bagong hanapbuhay na karamiha'y mula sa pribadong sector na nagtitiwala na sa kanyang pamamalakad.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino na ang mga kawal at pulis ay umaabot sa 250,000 na parehong bilang may 25 taon na ang nakalilipas samantalang lilimampung milyon pa lamang ang populasyon ng Pilipinas noon.

Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na kailangan pang isaayos ang ekonomiya ng bansa sapagkat ito ang magbibigay sa pamahalaan ng salapi upang makakuha ng mas maraming mga tauhang magpapatupad ng batas. Magtatagumpay umano ang pamahalaan sa kampanyang ito sa tulong na rin ng madla, ng taongbayan.

SA SENADO, pinababalik ni Senadora Miriam Defensor-Santiago sa kanyang puesto si Senador Juan Miguel Zubiri na nagbitiw kahapon sapagkat hindi pa tinatanggap ng Senado ang kanyang pagbibitiw.

Ayon kay Ginang Santiago, ipinagbabawal sa batas ang pag-alis o paglisan sa tanggapan ng walang kapahintulutan ng kinauukulan.

Dapat umanong walang anumang magagambala sa oras na magbitiw ang sinuman sa pamahalaan. Kung titigil umano sa Senador Zubiri sa kanyang pagpasok sa Senado, may posibilidad na makulong siya mula isa hanggang anim na buwan. Ayon umano sa isang bantog na dalubhasa sa batas na si Floyd Mechem, ang paghahandog ng pagbibitiw ay hindi kaagad-agad nangangahulugan ng pagkabakante ng isang posisyon. Ang pagbibitiw ay hindi magkakabisa hanggang sa pahintulutan siya at tanggapin ang kanyang pagbibitiw. Kung hindi tatanggapin ang pagbibitiw, bale wala ito at mananatili siya sa kanyang tanggapan.

May desisyon na rin umano ang Korte Suprema ng Pilipinas noong 1990 na nagsasabing ang pagtanggap ay kailangan upang magkabisa ang pagbibitiw ng isang opisyal ng pamahalaan sapagkat kung walang acceptance, kakailanganing ipatupad ang Article 238 ng Revised Penal Code ng Pilipinas, dagdag pa ni Senadora Santiago.

SA MABABANG KAPULUNGAN, para sa mga taga-Zambales, pumanaw na si Congressman Antonio Magsaysay Diaz ng ikalawang distrito ng Zambales sa edad na walumpu't tatlo kahapon ng umaga sa St. Luke's Medican Center sa Quezon City. Namayapa ang mambabatas dahilan sa multiple-organ failure secondary to sepsis at pneumonia.

Isang abogado, si Congressman Diaz ay naglingkod sa pamahalaan bilang Deputy Customs Commissioner noong 1963-64, pinuno ng Legal Department ng Land Reform Commission sa loob ng isang taon at pinuno ng Legal Department ng Land Reform Commission sa loob din ng isang taon. Nahalal siyang Bise-Gobernador noong 1967 hanggang 1969 at unang naglingkod bilang Congressman noong 1969.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>