|
||||||||
|
||
Opisyal na pong pumasok sa panahon ng tag-init ang Tsina, at ito ang kauna-unahang pagkakataon na mararamdaman ko ang init ng summer sa labas ng Pilipinas.
Sa kalsada ng Beijing, nariyan na ang mga nagtitinda ng palamig, damit, pagkain at kung anu-ano pa tuwing sasapit ang hapon, habang ang mga tao naman ay nakasuot ng maninipis na damit, sando, at short pants.
Hindi ko naisip na ganito pala ang tag-init sa Beijing, mas mainit pa sa tag-init ng Pilipinas dahil sa tuyong klima.
Pero, katulad din ng sa Pilipinas, nagkakaroon din ng panaka-nakang pag-ulan pagsapit ng gabi.
Sa kabila ng init na ito, nagkaroon pa rin po ako ng pagkakataon na makapamasyal sa isang lunsod ng Tsina, ang Qingdao, na nasa gawing Hilagang Silangan ng Beijing at dalawang distrito ng Beijing, ang Shidu at Yaqing, na malimit dayuhin ng mga Tsino upang magpalamig at mag-relax, pati na rin ang ilang dayuhan sa Tsina na gustong lumayo sa init ng klima sa lunsod.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |