|
||||||||
|
||
Higit na sa tatlong taong naghihintay ng katarungan ang mga kamag-anak ng mga nasawi sa paglubog ng barkong "Princess of the Stars." Ito ang dahilan kaya't nasa Lungsod ng Cebu ang Chief Public Attorney na si Persida V. Rueda Acosta na tumatayong lead counsel ng mga biktima ng trahedya.
Magugunitang tumaob ang barkong "Princess of the Stars" ng salubungin nito ang bagyong "Fengshen" na kilala sa pangalang "Frank" sa Pilipinas noong ika-21 ng Hunyo, 2008 sa baybayin ng San Fernando, Romblon.
Higit na sa dalawang taon ang paglilitis sa usaping sibil laban sa may-ari ng barko sa Lungsod ng Cebu at usaping kriminal sa hukuman sa Metro Manila.
Ayon kay Atty. Acosta, pumasok ang Public Attorney's Office sa usapin sapagkat ito'y isang maritime disaster, national interest at higit sa 850 katao ang nasawi sa sakuna. Marapat lamang na igawad katarungan sa mga biktima, sa kanilang mga naulila at lalo't higit sa lahat sa mga nararapat managot.
Binanggit naman ni Dr. Erwin Erfe na isang abogado rin at pinuno ng Public Attorney's Office Forensic Laboratory, may nakukuha pa silang labi ng mga biktima sa tumaob na barko. Idinagdag pa niya na nitong nakalipas na buwan ay nakakuha pa sila ng siyam na labi at ngayo'y kinikilala na sa pamamagitan ng osteological at dental examinations.
Narito ang bahagi ng panayam kay Chief Public Attorney Persida Rueda Acosta.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |