|
||||||||
|
||
Sinimulan ngayong araw ang tennis events sa Universiade Shenzhen 2011. Sa unang paligsahan ng ganitong events nang araw ring iyon, maalwang pumasok sa susunod na round ng paligsahan ang atletang Tsino na si Xu Junchao. Matatapos ang tennis events sa ika-21 ng buwang ito at ipagwawagi ng mga atleta ang 7 medalyang ginto.
Sa mga paligsahan kahapon, nakakuha ang delegasyong Tsino ng tatlong medalyang ginto sa Judo at Weight Lifting.
Bukod dito, magkahiwalay na nagwagi ang mga atletang Tsino ng dalawang medalyang tanso sa Women's Judo at Men's Sabre. Sa iba't ibang events nang araw ring iyon, pawang may dalawang medalyang ginto ang mga delegasyon ng Italya, Hapon, Ukraine at Timog Korea.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |