|
||||||||
|
||
Mula sa istasyon ng tren sumakay kami ng bus patungong "Gulou" or "Drum Tower". Dahil nga kami'y mga baguhan. Lumagpas kami sa dapat naming babaan na istasyon. Sa sumunod na istasyon kami bumaba at lumakad nalang pabalik. Halos wala namang pinagkaiba ang Gulou ng Tianjin at Gulou ng Beijing. Ang mga Tambol o Drums dito ay isang instrumento sa sinaunang panahon upang ipaalam sa mga residente ang oras o kung may nais ianunsyo ang kaharian sa publiko.
Sa pagtungo sa
lokal na resident na umiihip ng instrumentong "Xun"
Iba't ibang klaseng mga kagamitan ang binebenta dito mula alahas, painting hanggang sa mga piguring gawa sa clay o "泥人张"(nirenzhang). Ang nirenzhang ang isa sa mga pamosong souvenier sa Tianjin. Samu't saring hitsura ang makikita mo dito. May mga pigurin ding nakasuot ng Chinese style wedding dresses na karaniwang ibinibigay sa bagong kasal.
Isa din sa mga karaniwang souvenier items na mula sa Tianjin ay ang mga gawang papel na mga puppet na kung tawagin nila ay 皮影pi ying.
Related: Ang Romantikong Syudad ng Tianjin (2011.08.08)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |