Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang Pilipino, nanawagan sa Syria; salaping kailangan para sa flood control, ipinalabas na

(GMT+08:00) 2011-08-15 18:29:52       CRI

NANAWAGAN si Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario sa pamahalaan ng Syria dahilan sa kaguluhang nagaganap doon. Nanawagan ang kalihim sa mga pinuno ng Syria na gawin ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang taga-Syria at mga banyagang naroroon.

Ayon kay Kalihim Del Rosario, nananawagan sila sa pamahalaan ng Syria na tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nila at magpatupad ng mga ipinangakong reporma sa pinakamadaling panahon.

SAMANTALA, inilabas na ng Department of Budget and Management ngayong buwang ito sa Department of Public Works and Highways ang halagang P 1.34 bilyon upang masimulan ang iba't ibang flood control projects sa buong bansa.

Ayon kay Kalihim Florencio B. Abad, umabot na sa total na P 5.16 bilyon ang nailabas ng kanyang tanggapan para sa flood control projects sa taong ito.

Makababawas sa mga pagbaha ang gagawing mga proyekto at maiiwasan ang peligro sa mga naglalakad, mga motorista at mga ari-arian ng pamahalaan at ng mga pribadong mamamayan. Mas madadali ang paglalakbay ng mga tao, mga paninda at mga serbisyo na higit na magpapasigla sa mga pook na pagtatayuan ng mga proyektong ito.

Pinakamalaking alokasyon ang ibinigay sa Region IV-A CALABARZON na nagkakahalaga ng P 464.21 milyon at pumangalawa naman ang Region V BICOL na nagkahalaga ng P 307 milyon.

MULA SA Cotabato City, nakaligtas si Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu sa isang pagpapasabog sa tabing-daan na ikinasawi ng isa katao at ikinasugat ng pitong iba pa, kabilang ang isang provincial board member samantalang patungo sa isang resort para ipagdiwang ang ika-43ng kaarawan ng gobernador sa Tacurong City sa Sultan Kudarat province. Naganap ang pangbobomba mga alas tres y medya ng hapon.

Ayon sa mga balita sa media, sinabi ng gobernador na malakas ang bomba na inilaan para sa kanya samantalang sakay sa kanyang bullet-proof van. Malayu-layo pa ang kanyang sinasakyan ng sumabog ang bomba.

Magugunitang matinding kalaban sa politika ng mga Mangudadatu ang mga Ampatuan na nagmula sa Maguindanao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>