Ipinahayag ngayong araw sa Shenzhen si Roberto Maldonado, puno ng delegasyong Brazilian sa Ika-26 Shenzhen Summer Universiade na buong lakas na magbi-bid ang kanyang bansa para sa 2017 Summer Universiade at ang kasalukuyang Shenzhen Universiade ay pinakamabuting halimbawa.
Sinabi ni Roberto, mabisa ang transportasyon at maganda ang serbisyo ng pagkain at pabahay ng Shenzhen Universiade, lalong lalo na, ang mga instalasyong pangpalakasan ay pinakamagaling sa nitong ilang nagdaang events. Aniya pa, pumaroon na ang isang grupong tagamasid ng Brazil para tularan ang mga gawaing tagapag-organisa ng Shenzhen Universiade.