![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ipinahayag kahapon ni Liu Jianchao, embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang gagawing pagbisita ni President Benigno Simeon Aquino III ay makapagbibigay ng malaking katuturan sa pag-unlad ng bilateral na relasyon sa pagitan ng mga bansang Tsina at Pilipinas.
Aniya, ito ang kauna-unahang state visit ni Pnoy sa Tsina at kauna-unahang pagbisita niya bilang Presidente sa bansang hindi kasapi ng ASEAN. Sa pagdalaw na ito, gaganapin ang isang pulong na kung saan pag-uusapan kasama ni President Hu Jintao ng Tsina at iba pang lider ng bansa kung paano lalo pang patatatagin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng pulitika, kultura, ugnayang panlabas, ekonomiya at iba pa.
Dagdag pa niya, na ang pagbisitang ito sa Tsina ay makapagbibigay din ng malaking kahulugan sa pagtaguyod ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Sa halos 300 katao na kasama sa delegasyon na bibista sa Tsina, may halos 250 katao ang mga negosyante. Sa pagbisitang ito, dadalo si Pnoy sa tatlong Sino-Filipino Business Forum.
Sa imbitasyon ni Pres. Hu, bibisita si Pres. Aquino mula ika-30 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre sa Tsina.
Salin:Joshua
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |