![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mula sa Beijing, dumating na ang may 30 kinatawan ng iba't ibang pahayagan, himpilan ng radyo at television kasama na rin ang mga kinatawan ng iba't ibang international news agencies na nagmula sa Maynila upang samahan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang unang state visit sa Tsina.
Pinamunuan ni Joyce Panares, pangulo ng Malacanang Press Corps at isang Reporter ng Manila Standard Today, ang mga mamamahayag sa paglalakbay patungo sa Beijing. Sa panig ng Presidential Communications Operations Office Asst. Secretary Rey Marfil ang namuno sa mga nagmula sa Malacanang.
Bukas bago sumapit ang hatinggabi darating si Pangulong Aquino kasama sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo at ilan pang matataas na pinuno ng ehekutibo.
Makakasama rin ni Pangulong Aquino ang mga nangungunang negosyante mula sa Pilipinas upang higit na lumago ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.
Magugunitang sinabi ni Chinese Ambassador Liu Jianchao na kabilang sa pag-uusapan nina Pangulong Hu Jintao at Pangulong Aquino ay ang higit na pagpapaunlad ng mainit na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China kabilang na ang kalakalan. Magkakaroon din ng tatlong business fora sa iisang pagdalaw ng mga panauhin sa tatlong mauunlad na lungsod ng Beijing, Shanghai at Xiamen.
PAMAHALAAN, NAGPALABAS NA NG KALAHATING MILYON PARA SA BIKTIMA NI MINA
Mula sa Maynila, humigit na sa kalahating milyong piso ang ipinalabas ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development at ng mga pamahalaang lokal upang tulungan ang mga biktima ng bagyong "Mina."
Hanggang kaninang ika-anim ng umaga, halos anim na libong pamilya o halos tatlumpung libo katao mula sa Ilocos, Cagayn Valle, Central Luzon, Western Visayas and Cordillera Administrative Region ang nakadama ng hagupit ni "Mina" mula ng pumasok ito sa Philippine Area of Responsbility noong Agosto veinte uno.
Nanirahan sa may 44 na evacuation centers ang halos walong libo katao. Sa pinakahuling ulat ng iba't ibang mga media outlet, umabot na sa 12 katao ang nasawi sa bagyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |