Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Temang pangkabuhayan at pangkalakalan, pokus ng pagdalaw ng Pangulong Pilipino sa Tsina

(GMT+08:00) 2011-08-30 15:17:04       CRI

Sa paanyaya ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina, mula ngayong araw hanggang ika-3 ng susunod na buwan, dadalaw sa Tsina si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ng Pilipinas. Nitong isang taong nakalipas sapul nang manungkulan si Aquino bilang pangulo, ito ang kaniyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang paghahanap ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay magiging pokus ng gagawing biyahe ng Pangulong Pilipino sa Tsina.

Nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, kabilang dito, ang pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa ay nagiging pangunahing bahagi ng kanilang kooperasyon. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang layon ng pagdalaw ni Aquino sa Tsina ay pasulungin ang ganitong kooperasyon at ibayo pang patatagin ang pundasyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ang delegasyong Pilipino sa Tsina ay binubuo ng halos 200 katao at halos kalahati sa mga ito ay mga personahe na galing sa sirkulong komersyal ng Pilipinas. Sa panahon ng pagdalaw sa Tsina, bukod sa pakikipag-usap sa mga lider Tsino, dadalo rin si Aquino sa tatlong porum ng mga mangangalakal na Tsino at Pilipino, at ito ay napakadalang makita sa panahon ng pagdalaw ng lider ng isang bansa sa ibang bansa.

Nitong 10 taong nakalipas, natamo ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ang napakalaking pag-unlad. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing ika-3 pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, at ang Pilipinas naman ay nagsisilbing ika-6 na pinakamalaking trade partner ng Tsina sa 10 bansang ASEAN.

Ipinahayag ni Qu Xing, Puno ng Instituto ng Pananaliksik sa Isyung Pandaigdig ng Tsina, na kumpara sa populasyon at saklaw ng pamilihan ng mga bansang Tsina at Pilipinas, maliit pa ang saklaw ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa. Ipinalalagay pa niyang may napakalaking potensiyal ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>