![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
NAKATAKDANG dumating ngayong ika-sampu ng gabi si Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa Beijing Capital Airport upang pasimulan ang kanyang unang state visit sa Tsina.
Sakay ng isang chartered flight ng Philippine Air Lines, makakasama ni Pangulong Aquino sina Foreign Secretary Albert Del Rosario, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Energy Secretary Rene Almendras at Finance Secretary Cesar Purisima. Kalakbay din ni Pangulong Aquino ang higit sa dalawang daang mga negosyante.
Kabilang sa mga mangangalakal, na karamiha'y may dugong Tsino, na kasama ni Pangulong Aquino ay sina John Gokongwei Jr. ang nagtatag ng JG Summit Holdings Corporation; Washington Sycip, nagtatag SGV and Co.; Jose T. Pardo, Chairman ng PCCI Council of Elders, Tony Tan Caktiong, Chairman and CEO ng Jollibee Foods Corporation, Antonio Cojuangco, Chairman ng Nabasan Subic Development Corporation, George Ty ng Metrobank, Teresita Sy Coson, co-chair ng SM Investments Corporation, Carlos Chan ng Liwayway Holdings, Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation, Manuel V. Pangilinan ng PLDT, Dr. Lucio Tan ng Lucio Tan Group of Companies, Andrew Tan ng Allied Group, Inc., Erramon I. Aboitiz ng Aboitiz Equity Vetures, Alfredo Yao ng Zesto Corporation, Dr. Francis Chua, presidente ng Philppine Chamber of Commerce and Industry, Inc. at Tan Ching, ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.
Pagdating sa paliparan, magtutungo na sina Pangulong Aquino sa Diaoyutai Guesthouse na pansamantalang titirhan niya at ng kanyang mga cabinet secretaries.
Bukas ng umaga, makakaharap niya ang mga mangangalakal ng Tsina sa China World Hotel, kabilang na ang mga opisyal ng Energy World, State Grid of China/National Grid Corporation of the Philippines, Cina Trend/China Investment Corporation, China Petroleum at mga kontratistang interesadong lumahok sa kalakal sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |