
Binuksan na kaninang umaga sa Beijing ang Philippines-China Economic & Trade Forum. Dadalo sa porum sina Wang Qishan, Pangalawang Premyer ng Tsina at Benigno Aquino III, dumadalaw na Pangulo ng Pilipinas at bibigkas sila ng mga talumpati.

Ang porum na ito ay kauna-unahang pormal na aktibidad na lalahukan ni Aquino pagkaraang dumating siya sa Beijing para pasimulan ang 5-araw na state visit sa Tsina at ito ay nagpapakita ng isang pokus ng pagdalaw na ito na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Lalahok din sa porum ang mahigit 200 kinatawan mula sa sirkulo ng industriya, komersyo at bahay-kalakal ng Tsina at Pilipinas. Isasalaysay sa porum ni Cristino L. Panlilio, Pangalawang Klihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, ang kapaligirang pampamumuhunan ng kanyang bansa.