
Madaming natamong bilateral na kasunduan kahapon sa iba't ibang larangan tulad nalang ng kalakalan, palakasan, turismo, kultura at iba pang larangan na naganap sa pagitan ng mga bansang Tsina at Pilipinas. Dumalo sa seremonya ng pirmahan sina President Hun Jintao ng Tsina at President Benigno Simeon Aquino III ng Pilipinas.
Ilan sa mga kasunduang ito ay Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng Tsina upang patatagin ang kanilang kooperasyon, Philippines-China Five-Year Development Program for Trade and Development Cooperation, pagpapalitan ng sulat ng pabibigay ng libreng tulong ng gobyerno ng Tsina sa Pilipinas, MOU sa pagtalaga ng kinatawan mula sa Ministry of Commerce sa China desk ng Department of Trade and Industry ng Pilipinas, MOU ng pakikipagtulungan ng Pilipinas at Tsina pagdating sa palakasan, kasunduan sa mga programang magpapatupad ng MOU sa pakikipagtulungan sa turismo, MOU para sa Presidential Communications Operations Office at State Council Information Office hinggil sa magiliw na pagpapalitan at pakikipagtulungan.
Kasama din sa mga kasunduang ito ay ang pagpapalitan ng sulat para sa pagpapatuloy ng dalawa pang taon ng ika-14 na Executive Program 2009-2011 hinggil sa implementasyon ng kultural na kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa at kasunduan sa pakikipagtulungan sa pagitan ng Peope's Television Network (Channel 4) ng Pilipinas at China Central Television.
Salin: Joshua