Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Tsina,patuloy ang pag-unlad, sabi ni Ambassador Liu Jianchao

(GMT+08:00) 2011-09-27 17:54:19       CRI

MALUGOD na ibinalita ni Chinese to Manila Ambassador Liu Jianchao na patuloy sa pag-unlad ang bansang Tsina sapagkat sa nakalipas na sampung taon, lumaki ang mga binili ng Tsina sa daigdig at umabot sa $ 6.8 trillion at nagkatrabaho ang may 14 na milyong katao sa buong daigdig.

Ito ang buod ng kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Embahada ng Tsina ng ika-62 taon ng pagkakatatag ng bansa noong 1949 sa pamamagitan ng Communist Party ng Tsina sa isang formal reception sa Makati Shangrila Hotel kagabi.

Samantala umanong nakadama ang daigdig ng economic recession, ang Tsina at ang ibang emerging economies ang nagbigay ng magandang balanse sa ekonomiya at nagkaroon pa ng economic growth at naka-ambag sa financial security at nanguna sa economic recovery. Ang kalakal ng Tsina at Association of South East Asian Nations ay umabot sa 25% ng buong kalakal ng Tsina sa buong daigdig. Umabot na rin sa $ 18 bilyon ang kalakal ng China at Philipines sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan at lumamang pa ang Pilipinas ng may dalawang bilyong dolyar.

Ibinalita rin ni Ambassador Liu Jianchao na naging matagumpay ang paglalakbay ni Pangulong Aquino sa Tsinan a kinakikitaan ng mas magandang relasyon ng dalawang bansa.

Idinagdag pa ni Ambassador Liu na umaasa siyang higit na lalalim ang relasyon ng dalawang bansa.

Sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa pinagmulan ng kanyang mga ninuno sa Hongjian sa Xiamen, nakita umano ni Ambassador Liu ang magandang pakikipag-usap niya sa kanyang mga kamag-anak na higit na magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa.

Matagal na umanong magkaibigan ang dalawang bansa sapagkat malapit ang relasyon ng mga mamamayan at mga kultura at makikita sa kasaysayan ng Pilipinas at Tsina.

Niliwanag niyang pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipag-mabutihan sa mga kalapit-bansa tulad ng Pilipinas sa larangan ng kapayapaan at kaunlaran.

SINABI naman ni Philippine Acting Foreign Secretary Rafael Seguis na pinahahalagahan ng Pilipinas ang pakikipagkaibigan ng Tsina.

SAMANTALA, sa isang ambush interview kay Ambassador Liu Jianchao, sinabi niyang hindi nababahala ang Tsina sa posibleng pagpasok ng Japan sa isyu ng South China Sea na tinatawag na West Philippine Sea ng Pilipinas.

Ang isyu umano ng South China Sea ay isang isyu sa pagitan ng Tsina at ng iba pang mga claimant countries. Hindi na umano pa kailangan ang "third party" tulad ng Japan sa isyung ito. May kakayahan umano ang Tsina at ang claimant countries na matapos at maayos ang usapin.

Itinanong ko rin sa kanya kung ano ang kanyang reaksyon sa pagpupulong ng mga maritime legal experts sa Hotel Sofitel Manila noong isang linggo, sinabi niyang mas makabubuting patuloy na mag-usap ang mga claimant country, ipagpatuloy ang mga konsultasyon at walang sinumang makatutulong kungdi ang mga claimant countries.

PATULOY NA nananalasa ang Bagyong si Pedring sa Luzon. Suspendido ang klase sa mga pre-school, elementary at high school at mga kolehiyo dahilan sa malakas na hangin at ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila at Gitnang Luzon.

Tumigil din ang operasyon ng MRT at Light Rail Transit kaninang alas dose ng tanghali dahilan sa bagong "Pedring."

Halos dalawang milyong mga tahanan ang walang kuryente sa nasasakop ng MERALCO dahilan sa bagyong "Pedring."

Halos apat na libong mga pasahero naman ang nabimbin sa iba't ibang daungan samantalang dalawa katao ang nawawala sa pagdaan ng bagyo sa MIMAROPA region o ang Region IV-B.

MULA sa Japan, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kausap naman niya sina Kalihim Dinky Soliman ng Social Welfare and Development, Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa at Jose Rene Almendras ng Energy at sila ang nangangasiwa sa mga datos mula sa iba pang tanggapang may kinalaman sa epekto ng bagyong si "Pedring."

Ayon umano kay Secretary Soliman, dalawa na ang nasasawi samantalang tuloy pa rin ang baha sa Maguindanao. Inihahanda na rin ang relief goods para sa kanila sapagkat ayaw namang umalis sa kanilang mga tahanan kahit pa binabaha.

May preventive evacuations na sa Albay at Camarines Sur.

Tatlumpu't pitong porsiyento umano ng service area ng Meralco ang walang kuryente dahilan sa mga nasirang kable at naputol na poste.

Wala pa umanong balita sa naging epekto ng bagyo sa Aurora at Isabela provinces. Hindi pa naman nakararating critical evel ang baha sa Marikina subalit may mga lumilikas na.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>