![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
I. MGA TSINOY, TUMULONG NA SA MGA NASALANTA NI "PEDRING"
NAGSIMULA na ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. sa kanilang pagtulong sa mga nasalanta ni "Pedring." Kaninang umaga, nagkaroon na ng symbolic turn-over ng relief goods na ipadadala sa Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Ginoong Carlos Legazpi, tagapangasiwa ng FFCCCI Welfare Committee, inihahanda na nila ang may 30,000 relief packs na nagkakahalaga ng may limang milyong piso (P
Sa panayam ng China Radio International-Filipino Section at CBCPMedia Office, inihahanda na nila ang mga ipadadalang pagkain sa Bulacan, Isabela, Tarlac, Pangasinan,
Nagkakahalaga ang isang daa't limampung piso ang bawat relief bag na naglalaman ng dalawang kilong bigas, dalawang bote ng mineral water, sardinas at noodles.
SAMANTALA, sa panig ng Simbahang Katoliko, nangangalap na rin ng relief goods ang National Secretariat of Social Action, Justice and Peace at mga kasamang grupo upang matulungan ang mga apektado ng bagyong "Pedring." Sa mga oras na ito ay inaalam ng mga pinuno ng iba't ibang Social Action Centers sa mga pook na dinaanan ng bagyo ang datos ng mga nangangailangan ng tulong.
Ayon kay Fr. Edu Gariguez, umaasa silang makukuha ang aktuwal na bilang ng mga napinsala sa loob ng ilang araw.
II. MALACANANG, NANGAKONG PAGBUBUTIHIN ANG KALARAN NG KALAKAL
TINIYAK ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ang lahat upang mapaganda ang "business and economic climate" sa bansa. Ito ang opisyal na reaksyon ng Palasyo sa pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa lumabas na 2011 Annual Economic Freedom Report na ibinase sa 2009 reports sa ilalim ng Macapagal-Arroyo Administration. Kabilang sa report ang legal structure at seguridad ng property rights, access to sound money, freedom to trade internationally and regulation of credit, labor and business.
Ayon kay Ginoong Lacierda, may mga ginawa na ang pamahalaan tulad ng pagsasaayos ng burukrasya, pagpapantay ng playing field, pagsasaayos ng business registration system at zero-based budgeting na pawang magpapabuti sa business climate ng bansa.
Higit umanong gaganda ang tayo ng bansa sa susunod na survey na gagawin ng Fraser Institute, dagdag pa ni Ginoong Lacierda.
III. MAGUINDANAO, ISINAILALIM NA SA "STATE OF
DAHILAN sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng baha, isinailalim na sa "state of calamity" ang lalawigan ng Maguindanao. Tinatayang aabot na sa 350,000 katao ang apektado ng pagbaha sa may 16 na bayan mula pa noong ika-19 ng Setyembre.
Idineklara na ni Gobernador Esmael Mangudadatu ang "state of calamity" upang madali ng kanyang administrasyon ang pagpapadala ng pagkain sa may 50,000 pamilya sa mga apektadong bayan. Nabalita na ang pagbaha sa mga bayan ng Buluan, Datu Paglat, Salipada K. Pendatun, Mangudadatu, Datu Paglas, Sultan Sa Barongis, Rajah Buayan, Datu Odin, Northern Kabuntalan, Montawal, Pagalungan, Mother Kabuntulan, Sultan Kudarat, Talitay at Datu Piang.
Ayon sa gobernador, apat katao na ang namamatay dahilan sa pagbaha dala ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha dahilan sa maraming water lily o water hyacintch. Suspendido pa rin ang klase sa mga paaralan ng Maguindanao. Marami na umanong mga pananim na aanihin na
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |