|
||||||||
|
||
NAGTAPOS na ang pagpupulong ng mga mapanuring opisyal sa larangan ng intelligence ng iba't ibang sandatahang lakas na kabilang sa Association of South East Asian Nations na nagtapos kahapon.
Kasama sa kanilang napagkasunduan ang paniniwala na ang terrorismo ay walang kinikilalang hangganan at patuloy na nananatiling peligro sa katahimikan at seguridad ng daigdig at isang malaking banta sa kapayapaan at kaunlaran ng ASEAN at sa layuning mabuo ang ASEAN sa isang komunidad sa taong 2015.
Kinondena rin ang mga intelligence analysts ang gawain ng mga terorista na hindi kailanman mabibigyang katarungan at maituturing na gawain ng mga kriminal. Kinikilala ring labag sa batas saanman, kailanman at kahit sino pa man ang may kagagawan kahit ano pa ang dahilan lalo't higit kung mga sibilyan ang magtatamo ng malubhang pinsala.
Kinikilala rin ng mga dalubhasa ang pangangailangan ng komprehensibong pagharap at pagsasama-sama at pagtutulungan.
Isa nang bahagi ng ASEAN ang Convention on Counter Terrorism na sinangayunan ng pagtitipon ang ASEAN Convention on Counter Terrorism noon pa mang 2007.Ayon sa mga dalubhasa, kailangan ang pagpapalitan ng mga balita at impormasyon sa mga potensyal na panggugulo sa mga mamamayan. Nangako ang mga opisyal na magpapalitan sila ng mga impormasyon at datos na hindi makasisira sa mga naunang masunduan sa bilateral at multilateral arrangements.
Lumahok sa kasunduan ang mga kinatawan ng Brunei Darrusalam, Cambodia, Indonesia, Lao People's Democratic Republic, Malaysia, Myanmar, Singapore, Vietnam, Thailand at Pilipinas
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |