|
||||||||
|
||
NAGSIMULA ng maramdaman ang bangis ng bagyong "Quiel" na may international codename na "Nalgae" sa hilagang bahagi ng Pilipinas dala ang lakas ng hanging umaabot sa 195 kilometero bawat oras kaya't hindi na nakabalik sa kanilang mga tahanan ang mga naninirahan sa evacutation centers dahilan naman sa bagyong "Pedring" na ngayo'g nasa bansang Tsina na.
Nakataas na ang Signal Number 3 sa mga lalawigang posibleng ma-sentro ni "Quiel" tulad ng hilagang Aurora, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Tumama sa kalupaan ang bagyo kaninang ika-siyam ng umaga at patungo na sa kanlurang bahagi ng Luzon dala ang lakas ng hanging 160 kilometro bawat oras. Ito rin ang dinaanan ng bagyong "Pedring" kamakailan lamang.
Sa mga oras na ito'y dapat nailikas na ang mga naninirahan sa mga lugar na binabaha.
Higit umano sa isang milyong katao ang nabimbin sa kanilang mga tahanan dahilan sa biglang pagbaha matapos maglabas ng tubig ang mga dam na pag-aari ng pamahalaan at ng mga pribadong kumpanyang nagbibili ng kuryente sa National Power Corporation.
Limampu katao na ang nabalitang nasawi dahilan sa bagyong "Pedring" samantalang 31 ang nawawala ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Halos dalawang-daang libo katao na ang nasa mga evacuation center na pinatatakbo ng pamahalaan.
DSWD NANAWAGAN PARA SA MGA VOLUNTEERS
NANGANGAILANGAN ang Department of Social Welfare and Development ng mga volunteer upang tumulong na mag-impake ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyong "Pedring" at "Quiel" na ngayon ay nananalasa sa hilagang Luzon.
Ayon kay Kalihim Corazon "Dinky" Soliman, ang mga interesadong tumulong ay maaaring magtungo sa National Resource Operations Center sa NAIA Chapel Road sa Pasay City na katabi lamang ng Airport Police Department sa likuran ng Air Transportation Office.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |