Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Katapatan at paggalang, mahalaga sa alinmang peace negotiation

(GMT+08:00) 2011-10-06 18:20:59       CRI

Katapatan at paggalang, mahalaga sa alinmang peace negotiation

KAILANGANG magkaroon ng paggalang at katapatan sa bawat peace negotiation. Ito ang buod ng mensahe ni Ginoong Paul Murphy sa kanyang pakikibahagi ng mga karanasan sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Northern Ireland.

Humarap sa mga mamamahayag si Ginoong Murphy sa Asian Institute of Management ngayong hapon at binanggit na nakipag-usap na siya sa mga matataas na opisyal ng Pilipinas, mula sa Pangulo, sa pinuno ng Senado at Mababang Kapulungan at maging mga negosyador ng pamahalaan at mga kabilang sa Moro Islamic Liberation Front.

Bukas ay makakausap niya ang mga pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Nasa Pilipinas si Ginoong Murphy na dating Member of Parliament, dating Secretary of State para sa Northern Ireland at Wales at Minister of State for Northern Ireland.

Binanggit ni Ginoong Murphy na tumagal ang negosasyon sa pagitan ng magkakalaban sa Northern Ireland ng may tatlong taon – nag-usap ang magkabilang panig, araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, at tumagal pa ng hanggang gabi sa oras na may pangangailangan. Isa umanong malaking grupo ang nag-usap tungkol sa magiging kinabukasan ng Northern Ireland.

Wala umanong "hard and fast rule" tungkol sa mga negosasyon subalit ang mahalaga'y magkaroon ng paggalang sa mga paninindigan ng bawat isa. Mahalaga din umanong makita ang sinseridad ng magkabilang-panig sa paghahanap ng solusyon sa mga kinahaharap na suliranin.

Nauwi umano sa compromise ang pag-uusap sapagkat nagbigayan ang magkabilang panig. Nagkaroon ng sariling paraan ng pamamahala ang Northern Ireland at tanging responsibilidad na lamang ng Central Government ang foreign affairs at defense

Nasa Pilipinas si Ginoong Paul Murphy sa paanyaya ng International Alert UK at sa pamamagitan ng tanggapan ng Presidential Adviser on the Peace Process. Nagpakita umano ng interes ang magkabilang panig sa kanilang karanasan sa Northern Ireland, sabi pa ni Ginoong Murphy.

Pananalakay ng mga rebelde, magdudulot ng takot at pangamba sa mga negosyante

ANG naganap na pananalakay ng mga rebeldeng kasapi sa New People's Army noong Lunes sa tatlong minahan sa Agusan del Norte ay magiging dahilan upang mangamba at matakot ang mga negosyanteng banyaga na magpasok ng kapital sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Ginoong Edgardo Lacson, Pangulo ng Employers Confederation of the Philippines sa panayam ng China Radio International – Filipino Section at CBCP Media Office kaninang umaga.

Ani Ginoong Lacson, hindi makatwiran ang pagsalakay ng mga rebelde sapagkat magdadalawang-isip ang mga banyagang nangako at nagbabalak magnegosyo sa Pilipinas. Naniniwala siyang may kinalaman ang mga pagsalakay sa mga sinisingil na revolutionary taxes ng mga rebelde sa mga kumpanyang nagmimina sa Surigao del Norte.

Hindi umano makatutulong ang ganitong gawain sa pagbibigay hanapbuhay sa mga nasa iba't ibang lalawigan ng bansa.

Mga brodkaster, nagtanim ng puno

SINIMULAN ng mga Brodkaster na kabilang sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ang kanilang pakikiisa sa programang naglalayong magtanim ng isa't kalahating bilyong puno mula ngayong taon hanggang sa taong 2016. Ang proyekto ay pinangalanang Oplan Broadcastreeing ay sa tulong ng mga tanggapan ng pamahalaang Interior and Local Government at Environment and Natural Resources.

Ito ang sagot ng mga brodkaster sa Executive Order No. 26 na kilala sa pangalang National Greening Program ni Pangulong Aquino at DENR.

Isinagawa ang pagtatanim sa mga critical areas na nawalan ng mga puno dahilan sa illegal logging. Isinagawa ang proyekto noong Sabado sa 27 iba't ibang lugar sa buong bansa.

Ang KBP Metro Manila Chapter ay nagtanim sa Kaliwa Watershed sa Tanay, Rizal. Higit sa isang libong volunteers ang sumama sa mga brodkaster sa pagtatanim.

Nakasama rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, PNP Academy, Junior Chamber of the Philippines at iba pang mga grupo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>