|
||||||||
|
||
Kalihim MAR ROXAS, nagpasalamat sa Tsina
NAGPASALAMAT si Transport and Communications Secretary Manuel Araneta Roxas sa Pamahalaan ng Tsina sa pamumuno ni Pangulong Hu Jintao kasama sina Premier Wen Jiabao at Party Leader Wu Bangguo dahilan sa pagpayag nila na magkaroon ng reconfiguration and kontrata ng North Rail Transit.
Sinabi ni Kalihim Roxas na inatasan na nina Pangulong Hu ang mga pinuno ng mga Ministry ng Transport at Ministry ng Commerce na makipag-usap sa mga Pilipino upang maisaayos ang proyekto. Tutugon umano ang bagong disensyo ng proyekto ayon sa pangangailangan ng Pilipinas.
Bagama't walang binanggit na detalyes, sinabi ni Ginoong Roxas na magtutungo siya sa Tsina at makikipag-usap sa mga kinauukulan. Kabilang sa isasaayos ay ang Terms of Reference tungkol sa kontrata. Ipinagtanong niya kung bakit sa pautang na ito na tiyak na babayaran ng Pilipinas ay walang nai-ambag ang bansa sa "terms of reference."
Niliwanag ni Ginoong Roxas na nag-uusap na sila ng mga opisyal ng Embahada ng Tsina sa ilalim ng pamumuno ni Ambassador Liu Jianchao bilang paghahanda sa napipintong mga pag-uusap sa mga susunod na araw.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag mula sa iba't ibang international news agencies, sinabi ni Ginoong Roxas na mayroong kalahating bilyong piso ang pamahalaang Aquino para sa iba't ibang transport and communications infrastructure projects sa susunod na limang taon.
Pagkalat ng mga hindi nakakahawang sakit, paksa ng World Health Organization
MAGIGING SENTRO ng mga pag-uusap ng mga pinuno ng World Health Organization Regional Committee sa pagpupulong nila mula sa Lunes, ika-sampu ng Oktubre hanggang sa Biyernes, ika-14 ng buwan ang pagkalat ng mga hindi nakahahawang-sakot at magbabalik-aral sa kanilang mga programa upang matiyak na ito'y tumutugon sa mga pangangailangan ng rehiyon. Gaganapin ang pulong dito sa Maynila.
Kabilang sa mga karamdamang ito ay ang sakit sa puso, stroke, cancer, diabetes at chronic respiratory disease na dahilan ng 80% ng mga ikinamatay ng mga mamamayan sa 37 bansa sa Western Pacific Region.
Kinikilalang dahilan ng mga karamdamang ito ang paggamit ng tabako, hindi maayos o malusog na pagkain, kawalan ng ehersisyo at mapanganib na paggamit ng alcohol. Mag-uulat si Dr. Shin Young-soo, WHO Regional Director para sa Western Pacific sa may 100 mga delegado, kabilang ang mga Ministro ng Kalusugan sa rehiyon at kabilang sa kanyang ulat ang mga nagawa at gagawin pa ng World Health Organization sa mga susunod na panahon.
Critical stress debriefing isinasagawa para sa mga binaha
ISINASAGAWA na ang critical incident stress debriefing sa mga biktima ng magkasunod na bagyong "Pedring" at "Quiel" sa mga apektadong rehiyon. Ito ang ibinalita ni Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Social Welfare and Development Department.
Ipinadala na ang mga social worker sa mga evacuation center upang gawin ang debriefing. May 125 evacuation centers ang pansamantalang tinitirhan ng may 8,906 na pamilya na pawang apektado ni "Quiel" samantalang tumutulong pa rin sila sa higit sa 30,000 mga pamilya na nasa labas ng evacuation centers.
Makakatulong ang debriefing sa pagpigil na magkaroon ng post-traumatic stress sa mga taong nakaranas ng mga peligrosong pangyayari. Ang debriefing ang siyang tumutulong sa mga biktimang maka-unawa at matanggap ang mga naganap sa kanila.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |