|
||||||||
|
||
Ang kabayo kong hindi natakbo
Isa sa mga pinakadinadayuhang lugar sa Chengdu, Sichuan ang "Wide and Narrow Alle" (Kuan Zhai Xiang Zi). Tinawag itong Wide and Narrow Alley dahil ang isang bahagi ay may maluwag na daanan habang mas maluwag naman ang isa.
Estatwa ba ito?
Pupular ang lugar na ito hindi lang dahil sa iba't ibang kainan at bentahan dito. Dito din makikita ang mga imprastruktura ng lumang syudad ng Chendu.
Ang paborito niyong kapehan sa loob ng wide and narrow alley
Sa inyong paglalakad sa mga eskinito ng Narrow and Wide Alley, mararamdaman niyo ang awtentikong aktibidad bilang panlipas oras o pahingahan ng mga lokal na residente ng Chengdu. At sa inyong paglibot sa lugar na ito, makikta ninyo ang magkahalong makaluma at modernong syudad ng Chengdu.
Gawang kristal na hawakan ng pintuan
Bahagi ng mga prineserbang lugar mula sa Dinastiyang Qing ang Wide and Narrow Alley. Ibinukas sa mga turista ang lugar na ito noong Hunyo 14. 2008, matapos ang 4 na taong renobasyon at rekonstruksyon na nagkakahalaga ng 600 milyon yuan o halos 4.2 bilyong piso.
Ang lugar na ito ay maihahambing sa Nan Luo Gu Xiang ng Beijing. Dinadayuhan ng madaming dayuhan dahil sa mga kakaibang kagamitang binebenta dito na karamihan ay gawang Sichuan, mga iba't ibang klaseng kainan mula awtentikong Sichuan cuisine hanggang western cuisine na makikita dito, hindi mapagkakailang ganda ng atmospera, at kung kaisyahan naman ang hanap mo, mga inumang makaluma at moderno ang narito't naghihintay sa inyong pagdating.
Sa kasalukuyan, ito ang pinakabuhay na lugar sa Chengdu pagsapit ng gabi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |