Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maanghang na sopas ng ulo ng isda at bean thread

(GMT+08:00) 2011-10-13 15:37:08       CRI

Mga sangkap

250 gramo ng ulo ng isdang tubig-tabang

100 gramo ng basang-basang bean thread

10 gramo ng kulantro

5 siling labuyo

10 gramo ng toyo

6 gramo ng asin

2 gramo ng vetsin

10 gramo ng asukal

50 gramo ng langis

5 gramo ng hiniwa-hiwang scallions

5 gramo ng luyang hiniwa-hiwa nang pino

1 gramo ng durog na paminta

Paraan ng pagluluto

Alisan ng kaliskis at hasang ang ulo ng isda at hugasan. Hiwa-hiwain ang kulantro sa maliliit na piraso. Alisin ang mga buto ng siling labuyo at hiwa-hiwain sa mga pirasong isang sentimetro ang haba. Initin ang langis sa kawa at igisa ang ulo ng isda hanggang sa maging kulay brown ang magkabilang gilid. Alisin. Lagyan ng mga siling labuyo, scallions at luya at igisa hanggang sa pumula ang langis at lumutang ang bango. Ilagay ang ulo ng isda, buhusan ng 1000 gramo ng tubig at lagyan ng toyo at asin. Pakuluin sa malakas na apoy. Pagkaraang kumulo ang tubig, lutuin sa loob ng 10 minuto at tapos, ihulog ang bean thread at bawasan ang apoy. Lutuin sa loob ng isa pang minuto pagkaraang kumulo muli. Lagyan ng durog na paminta at kulantro. Isalin sa soup bowl at isilbi.

Katangian: may magandang kulay pula.

Lasa: kaunting maanghang.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>