Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng Enerhiya, binabantayan ang galaw ng presyo ng langis at petrolyo

(GMT+08:00) 2011-10-16 18:21:11       CRI

PATULOY na binabantayan ng Kagawaran ng Enerhiya ang galaw ng presyo ng langis at petrolyo sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Malacanang matapos lumabas ang balitang may panibagong pagtataas ng presyo ng gasolina at krudo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, ang gobyerno ay patuloy na nagbabantay sa presyo at gumagawa ng magagawa nito tulad ng napagkasunduan nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at mga pinuno ng iba't ibang transport groups.

Idinagdag ni Atty. Valte na ipinagtatanong pa rin ng Kagawaran ng Enerhiya sa mga kumpanya ng petrolyo kung bakit kakarampot ang binawas nito sa presyo kamakailan at patuloy silang magmamatyag.

Ito naman ang reaksyon ng Malacanang sa pahayag ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa pamamagitan ng kanilang Secretary General George San Mateo na nananawagan kay Pangulong Aquino na gumawa ng kaukulang hakbang sa napipintong pagtaas ng presyo ng gasolina ng halos piso at tatlumpung sentimos sa bawat litro ng krudo.

Mayroon na umanong nagawa ang pamahalaan at naiparating na ito sa iba't ibang kinauukulang ahensya.

Nagbanta ang mga tsuper ng jeep na mag-aaklas silang muli sa oras na walang magawa ang pamahalaan sa napipintong pagtaas ng presyo sa mga susunod na araw.

Kalihim ng Interior and Local Government, tumangging ginigipit ang lalawigan ng South Cotabato tungkol sa ordinansa laban sa open pit mining

WALA umanong panggigipit mula sa pamahalaang pambansa tungkol sa pagluluwag ng ordinansa tungkol sa open-pit mining. Ito ang isa sa mga balitang lumabas sa isang broadsheet sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo matapos lumabas ang diumano'y panggigipit sa pamahalaang panglalawigan ng South Cotabato na pawalang-saysay ang isang ordinansang nagbabawal ng open-pit mines upang makapag-full blast operations ang pinaka-malaking copper and gold mines sa buong daigdig.

Hindi umano totoo na tinawagan niya si Governador Arthur Pingoy at humiling na pagbalik-aralan ang ordinansa upang mapawalang-saysay ito. Ang pagbabawal na ito ang pinakamalaking hadlang sa operasyon ng Xxtrata's Sagittarius Mines, Inc sa bayan ng Tampakan. Subalit inamin din niya na ang kanyang kagawaran ang lumiham sa gobernador at sa Sangguniang Panglalawigan noong nakalipas na taon upang pag-aralan ang ordinansa.

Ito umano ay sa kahilingan ng Kagawaran ng Kalakal at Industriya at Kagawaran ng Pananalapi sapagkat ang ordinansa umano ay taliwas sa pambansang batas at kalakaran.

Wala umanong paninindigan ang DLG na pabor o kontra sa open-pit mining subalit walang pambansang batas na nagbabawal ng open pit mining maliban na lamang kung may paglabag ito sa batas. Ang ordinansa umano ay kakaiba sa lahat ng mga ordinansang ipinasa ng lalawigan.

Ito umano ang posisyon ng DILG Legal Department kaya't humiling silang pagpalik-aralan ang ordinansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>